KAILAN MALALAMAN ANG GENDER NI BABY?

Hi mommies!! I’m 18weeks preggy na and nagpa ultra sound ako kanina lang. Kaso hindi pa lumabas ang gender kasi di raw nila sure. Mas sure raw pag October ako bumalik para makita ang gender. Like hello? Talaga naman makikita na gender non kasi December ako manganganak. 🤣 E balak ko kasi magpa Gender Reveal na this coming July 16. Baka di matuloy. Any ideas mommies thank you! 🥰 #genderreaveal #18weeeks #1st_pregnacy

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

14 weeks pa lang baby ko nakita na agad pero siguro pagka6 months namin, ipapatingin ko ulit para sure. Ideally, 5 months and above pwede na makita pero again, depende sa position ni baby mo. Baka kasi nakacross legs siya kaya di masure ng sonologist anklng gender

Nakita na agad gender ni baby. I did pelvic ultz at 18w1d (2 days ago) and boom! Nakabukaka daw kasi kaya kitang kita ang burger 🍔😂 Sobrang happy ni hubby, since birthday din nya un. 😊

if keri mo po kahit pricey, merong mga nag ppa utz ng 2d or 5d kahit medyo early pa as long as may pambayad hehe!

Sa first born ko nakita around 5 months dito sa second pregnancy ko 17 weeks lang nakita na

sa 2nd born ko, nakita ang gender at 23weeks, which is 6 months. sa 1st born ko, 6 months din.

It depends po sa position ni baby. Para maclear kung ano po gender