May TB si MIL
Hi mommies. I badly need advice po. Yung daddy ng baby ko kakauwi lang, hindi po kami kasal. Before umuuwi kami sa kanila kasi sinusundo kami ng parents nya para magstay sa side nila at makasama ang apo. Last na uwi namin na wala pa ang daddy ni LO ay February, nagpahatid kami kaagad after few days pabalik sa house ng parents ko dahil may mga sakit na pala sila sinundo pa kami. Inexpose pa kami sa flu mag-ina. Ang ending, both me and my LO got sick after. Doon po nagsimula yung sakit ng mother ng daddy ni LO. Noong sinabi sa akin ng daddy ni LO na mahina ang baga at nakita sa xray, kinabahan na ako agad. Turns out may PTB (Primary Tuberculosis) pala siya aside sa diabetes and hypertension. Ngayon in denial silang lahat sa sakit ng mother niya, hindi nila matanggap na PTB ang diagnosis. Ang mother may separate utensils na sa bahay and may 3 gamot na iniinom for PTB medication. Lagi din naka face mask sa loob ng bahay. Ang mother din sinabi lang sa daddy ni LO mahina ang baga pero hindi rin sinabi ang diagnosis. Kaya ko nalaman na PTB dahil sa label sa gamot. Herbal chinese medicine ang iniinom, 3 bottles ay may label na PTB, before ang makikita lang na label sa gamot ay for sugar and high blood ngayon meron na for PTB. Worry ko po si LO ko. Itong lola nya gusto pa din na magkarga, katwiran ay naka face mask naman daw so okay lang. Ang masaklap kasi doon, naka face mask sya hinahalikan nya pa si LO, yung kamay nya pinapasubo pa sa bata. Sobrang cringe ko na sa tuwing nakikita ko na ganoon ang ginagawa, ayaw ko ng binibigay si LO sa kanya nung nakita ko pa lang na ang iniinom nyang gamot ay para sa PTB kaso lagi syang nakatanghod. Inaantay talaga niya na ibigay sa kanya ang bata. Kung hindi kami papasukin sa kwarto tatayo siya sa harap ko para kuhain ang bata. Sa tuwing kinakarga niya si LO, nililinisan ko sya ng alcohol in a discreet manner kasi nga natatakot ako na baka mahawaan si LO. Sobrang stress na ako mommies, itong daddy ng baby ko hindi ko alam kung nag-iisip pa ba ng maayos. Katwiran nya lagi matanda na daw pagbigyan na, katwiran ko naman sa kanya pag mahawa ang bata kawawa kami pare-parehas. Nauubusan na rin ako ng paliwanag para mabuksan isip nya na delikado sa bata ang kasama sa bahay na may PTB. Hindi naman sa pinandidirihan o ano pero sa panahon kasi, kailangan maging sobrang maingat lalo na hindi madali tumakbo sa mga ospital ngayon. Nagpapahatid na ako sa amin, ayaw din kami ihatid. Nauubusan na ako ng paliwanag para bang hindi nakakaintindi ang daddy ni LO sa mga risk na binibigay ng mother niya sa bata. Yung mga mommy friends ko sinabihan na ako na huwag na huwag ng ilalapit sa lola niya, sinabi ko na rin sa daddy ni LO na kausapin nya ang mother niya dahil baka kung sa akin manggaling ay masamain. Ilang araw na wala pa rin syang aksyon.