How to discipline toddlers?

Hello mommies! How do you discipline your toddlers? I feel so exhausted siguro sa araw araw na kakulitan to the point na nagiging pasaway na mga anak ko. I have two boys and 1 girl. Eldest is 5, 2nd is 3 and the youngest is 1 yo. Sa two boys ko ako sobrang nahihirapan. Lagi ko silang pinagsasabihan ng pa ulit ulit kung ano ang dapat gawin pag nagkakamali sila. They would say sorry and many times uulit na naman. To be exact ang panganay ko inihian niya yong unan ni bunso. Noong nakaraang araw ang foam naman. Yong tipong sinadya talaga. Nire remind ko sila lagi pag umihi ay pumunta ng CR. Minsan kahit sa CR nakakalimutan pang i flush. Di ko alam kung nag o overreact lang ako pero ito kasi ang nararamdaman ko. Nakakapagod. Parang ang dali pa silang ipanganak kesa dsiplinahin. Don't get me wrong marami din namang good traits ang mga anak ko pero sukong suko ako sa kakulitan at pagiging pasaway nila araw araw. Kung atensiyon ang pag uusapan binibigay din naman namin yon. Nakakabahala kasi kahit ang asawa ko na sobrang haba ng pasensiya ay minsan nasasagad din. I hope matulungan niyo ako. Salamat po #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

naku, mommy. I feel your pain. ang 4yo boy ko, sobrang kulit din. matalino and sweet pero SOBRANG kulit. bilang strict talaga ako, I tell him kapag hindi siya tumigil mapapalo siya after gawin niya ang isang bawal na bagay. mga 60 percent of the time, sumusunod naman. in my head, kung noon bata ako gumana ang palo ng parents ko, siguro gagana rin for my kid. pero tuwing napapalo siya, we talk about it after. i ask him, oh bakit ka pinalo ni daddy? ano'ng ginawa mo? gusto mo ba na mapalo ulit? ganyan. ang hirap din talaga. patience lang.

Magbasa pa