Breastfeed problems ??‍♀️

hi mommies help naman po .. tried: - natalac 2x a day - mega malunggay 4x a day - mother nurture choco and mother nurture coffee 2x a day - lactation choco 2x a day - latching kaso wala pa din .. hindi nag iincrease milk supply ko ?‍♀️??? 1month 3weeks na po si baby ganyan lang napump ko huhu mejo nakakafrustrate na .. mixed feed si baby nakaformula po sya HIPP ORGANIC CS milk ni baby

Breastfeed problems ??‍♀️
90 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Based on my experience,wala rin po ako masyado gatas,at nag formula milk po kmi,,bumili po kmi mga shell lagyan malungay at papaya prang tinola na manok ang pgkakaluto,twice a week po tapos pa latch lang kay baby palagi,,ngayon dami na milk,pure bf na po 2months na si baby

Mommy, try mo i-massage in circular motion ang breast mo. Buong breast po. Then expressed milk, pisilin mo areola mo wag yunh mismong nipple, medyo masakit sya pero ganun talaga. Then massage massage lang lalakas din yan. 😊 Try mo rin hot compress ang breast mo momsh.

5y ago

Try mo wag stress sarili mo momsh, isa daw yan sa reason bat nawawalan ng milk supply ang mga mommy. Ako, need ko makapag produce ng milk for my preemie baby para lumakas sya. So yung nurse sa NICU nagturo sa akin paano makapag produce ng milk para kay baby. Mahirap talaga and nakaka frustrate sa umpisa pero need kayanin para kay baby. 😘 In my own experience naman, kinakain ko mga food na gustong gusto ko. Parang nakakatulong naman sya. Then Milo, milo lang. 😊

VIP Member

Magpa-latch lang po kayo ng magpa-latch, mommy. Ang supply naman po ng breastmilk is depends po sa demands ni baby. Sooner po magkakaroon po kayo ng madami. Need lang po ng tyaga and wag po kayo magpapaka-stress, nakaka-hinder din po yan sa supply ng breastmilk.

Sis kumakain kba ng tulya ganyan kc ung sinabaw ni mama ko nung nangank c ate ko masahol payun kc wala talgang gatas halos dudugo na yung susu ni ate ko pero nung nagsabaw ng tulya c mama q andame namn lumabs na gatas try mo sis tulya higupin mo yung sabaw nya

VIP Member

Stop mix feeding po. Naagaw po kasi ng formula milk ang demand ni baby to latch sa breast mo po kaya konti lang demand ni baby sa breastmilk mo. Less demand, less supply ang gagawin ng breast mo sa breastmilk. Unli latch po dapat. Pure breastmilk

VIP Member

May mga hindi yata tlg pinagpala mamsh kahit ako mahina milk supply ko, pinakamarami ko na ung 3oz pero ngayun 1oz n lng. Lahat ng klase ng pampagatas nasubukan ko na. Lahat ng klase ng vitamins at mga sabaw-sabaw. Medyo depressing pero ganun yata tlg.

5y ago

Oo maganda, pati poops nya ok. Kc kaya tummy care binigay sa amin medyo hirap magpoops c baby noon.

Sali ka sa breastfeeding pinays. Try mo magpalactation massage. Hanap ka session nila nanay rich. Maggulat ka sa lakas ng milk mo :) baka plugged ducts. Saka wag ka pastress, nakakahina talaga ng supply yun. Saka unli latch ka sana..

Momshie same na same tayo. Ganyan din ako,as in ganyan na ganyan lang milk nakukuha ko pag nagpump din ako. Ala talaga. Kaya kesa umiyak iyak siya saken dahil walang makuha,pinagformula ko na siya. Awa naman ng dyos mataba naman.

5y ago

kaya nga po eh, nakakadagdag pa sila ng isipin.. di ko naman ginusto na ganito, kesa gutumin ko anak ko.. diba mga mam?

Natalac po or moringga vita.tapos yung breast mo po hilutin mo ng baby oil sa umaga at hapon.try din po malunggay tea.yung mismong dahon papakuluan mo 3 tangkaya sa 2 cups of water.yan po ginawa q.

Try m po alugin ng mdjo mainit n tubig yung breast nyo po.. dlawang tabong tubig sabay nyo pong ilagay s breast tig isang tabo tas alog alugin m po... tas higop po plagi ng masabaw n pgkain...