Ibigay si baby

Hello mommies gusto ko lang po mag tanong sana po mapansin nyo po . Meron po kasi akong tito nasa ibang bansa wala silang anak ng asawa niya and may baby ako . gusto kasi nila kunin baby ko pero parang may kumirot sa puso ko kasi nagiisip ako naguguluhan talaga po ako mga mommies kasi selfish po ba ako kung di ko po siya ipapadala sa ibang bansa na alam ko naman po sa sarili ko na gaganda ang buhay ng anak ko duon ? O magiging masamang nanay ako kung ibibigay ko na lang anak ko duon sa tito ko . sobrang naguguluhan talaga kasi ako sana may makapansin saakin need ko ng advice po . ano po dapat kong gawin po salamat po #advicepls #pleasehelp

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

opinyon ko lang po, kung alam mo naman po sa sarili mo na gagawin mo ang lahat at kakayanin mong mabigyan ng maayos na buhay ang anak mo eh ikeep mo sya, ikaw pa din makakapagdecide jan sis, mahirap mawalay sa sariling anak, iisa pa naman yata yang baby mo