Baby Gender
Mommies, gusto ko lang magrant. Kahapon nalaman na namin ang gender ng baby ko through CAS. It’s a healthy baby boy. We’re planning to throw a gender reveal party on Wednesday. Kaya lang nawawalan ako ng gana, dahil sa puro boys na ang mga naunang apo at pamangkin, gusto sa side ng husband ko ng baby girl at para bang nakakadisappoint pag boy ang dinadala ko. Ang dami kong naririnig na di ko nagugustuhan. Sobrang sensitive ko lang ba talaga? Ano ba need ko gawin para di maiwasang mainis sa sinasabi nila? Thanks mommies! #firstbaby #pleasehelp

hindi naman sila yung makakapag decide if girl or boy yung bby mo. deadma sis. jusko. dami nila arte, bakit hindi sila yung gumawa ng baby. instead na madisappoint, bakit di nalang sila maging grateful na healthy yung bata. kami nga, gusto ko din sana baby girl, kase yung baby namin na nawala last year e girl. pero pag nag uusap kami ng asawa ko, hindi namin ginagawang issue yung gender. kase regardless of the gender, baby parin to. blessing parin to. buhay parin to. and what's more important is healthy si baby. sa side ni hubby, majority ng apo is lalake. 1 lang yung babae, pangalawa na sana yung bby namin last year. sa side ko naman, 2 babae. wala pang lalake. noon gusto ko sana girl din samin para another princess, gusto naman ng side ko, lalake since may 2 babae na. but then good thing na di sila nag eexpect ng kahit anong gender. as long as healthy yung baby. yun ang importante. regarding naman sa gender reveal mo, isa yan sa most exciting part ng pregnancy. invite mo nalang yung mga alam mong excited kay baby kahit ano pang gender nya. at least on that note, masaya parin gender reveal mo. kesa iinvite mo yung mga madi-disappoint dahil di yung ineexpect nilang gender yung malalaman. masstress ka lang.
Magbasa papag buntis po ksi mi normal po ung pagiging sensitive. it's not your fault na baby boy ang dnadala mo kaya wag ka po madisappoint still he's a gift from God and he is your son. Think in a positive way mi. always pray and don't stress yourself kasi pati si baby mastress malay mo naman s susunod na mag baby kayo uli, baby girl na. pero kung hindi pa din okay lang po yun mi dhil nag kaanak ka para sainyong dlawa ng asawa mo dhl bumubuo kayo ng pamilya hindi para sa side ng husband mo na kelangan babae ang anak. Nauna lang sila magkaanak at nataon lng n puro boys, kaya wg kn po mastress mi. In God's right time and in his plan magtiwala ka lang. Have a safety and happy pregnancy journey mommy 😉🙏
Magbasa paHi mommy wag ka masyado pakastress at wag mo nalang isipin kung ano ang wish nila. Natural lang yun mii kaya nga may pa gender reveal ka kasi manghuhula sila kung ano ang anak mo😊 Ganyan din sa akin nagpa gender reveal party ako boy si baby ko at naexcite pa rin ako magparty e kahit boy din una ko anak😂 hula nila lahat girl naman.. Ako lang kasi nakakaalam ng gender ng baby ko e kahit si mister surprised din na boy si 2nd baby namin.. Sabi ko nalang atleast may baby ako at nakakatuwa nga 2boys sila😊 At the end of the day hindi naman tayo mamimili ng pwede natin ipagbuntis yan ang bigay sa atin ni Lord gift yan.. ❤️ ang mahalaga healthy ang mga anak natin..
Magbasa paIf hindi ka na comfortable, then don’t do it. Better wag mo na ituloy. Ang gender reveal naman talaga ay supposedly para sa magasawa. Para sa nanay at tatay. E alam nyo naman na ang gender, then don’t over do it na. Kung gsto nyo lng ishare, share it thru social media na hey we’re having a baby boy. Ganon nlng. Mas masayang mag celebrate ng small wins, kayong magasawa nlng mag celebrate together. Kesa istress mo pa sarili mo sa ganyan. And wala naman na rin sense dahil ikaw mismong ina, alam na ang gender. Sooooo don’t do it.
Magbasa pasame as before its happens na din yan sakin kasi most of them eh puro lalaki so they expecting a girl so when we found out its a boy parang di sila happy pero non lumabas na ung anak ko hayun wala na ung gender na prefer nila kasi nakita na nila ung baby cgro ganyan din un soon sau mommy magging happy din sila once makita nila baby mo wag ka malungkot kasi c baby mallungkot din be positive always kahit madaming negative sa paligid ntin piliin ntin mging msaya for the sake para sa baby ntin.Keep safe and godbless
Magbasa pamedyo ganyan din sa akin. yung hubby ko kasi very vocal na boy yung gusto niyang panganay. nung nalaman naman namin na girl, okay naman sa kanya and masaya siya. inaantay nun relatives niya yun gender reveal pero hindi na namin ginawa kasi na-excite na kami malaman. kaya sinasabi nila na siguro daw babae kasi kung lalaki, excited si hubby so maggegender reveal or ipapaalam agad. kaya medyo naaasar ako. parang nahuhurt ako para kay baby dahil baka mapa feel sa kanya paglabas na hindi excited dahil girl.
Magbasa paSame situation here. Mag throthrow ako gender reveal ngayun june 30. Pero alam ko na nah na bb girl dala ko, ngpa uts ako twice kasi bb girl tlga lumabas ngbakasakaling bb bog kasi yun gusto ng partner at fam ko. Na worried ako ilang araw nun baka di sila maging happy. Pero napa isip ako, isa itong blessing. Yung baby natin healthy kompara sa iba. Focus nlng tayu ka baby at sa future development nya. Deadma nlng natin yang mga chismis. Tayu naman din ina ang kasama palagi ng ating anak.❤️
Magbasa paAko nmn po mii simula nabuntis ako ang ineexpect na ng family ng asawa ko baby boy yung baby namin kase nagbago itsura ko pumanget ako ganun pero nung nagpaultrasound ako baby girl yung nakita kaya nagulat sila at natuwa na girl yung baby nmin kase gusto nila girl. Sa family ko nmn expected na namin na girl kase nasa lahi namin na girl lahat ng panganay ok nmn saming mag asawa kahit anong gender ni baby as long as healthy sya. sobrang happy na kame 😊
Magbasa paUna momsh ipaintindi mo sa side ng husband mo na according to science ay ang lalake ang magdedetermine ng sex ng baby, dahil sila ang may X at Y na chromosome, so ibig sabihin ay yung mga Y chromosomes ang nakakapenetrate sa egg cell kaya anak nila ang responsible kung bakit baby boy (sana magets nila, hahahahha). Ayaw ba nila nun mas madami ang magkakalat ng last name nila hheehehe.
Magbasa paThink na lang mamsh na no matter what the gender is, a baby is a blessing. We should celebrate this gift from God and not because sa kung ano ang gender ni baby. its a plus if natupad yung gender na gusto natin pero ang important is the life inside our womb na hopefully healthy si baby. Avoid negativity and make yourself happy as always. 😊
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent