FEARS OF BEING PREGGY WITH A RAINBOW BABY

Hi mommies. Gusto ko lang mag share ng nararamdaman ko ever since we knew na buntis na ulit ako. Last year, we lost our 20-week-old baby girl. Our first baby. At yun yung pinaka masakit na nangyare sa buhay ko ๐Ÿ˜ญnaiiyak nanaman ako ๐Ÿ˜ญ And now, we're very happy that i am 10weeks preggy with our rainbow baby. Kaso, sobrang halo halo ng emotions ko. Sobrang saya, oo. Lalo nung narinig ko na yung heartbeat. Pero nahahaluan ako ng takot. Kanina, nanaginip ako na dinugo daw ako. And the last thing i knew, nakita ko sa panaginip ko na wala na yung baby ko. Sobrang umiiyak ako pag gising ko. And dumiretso agad ako sa cr to check if may blood. Buti nalang wala. Nakita ako ni hubby na umiiyak and he asked me why. So, sinabi ko. And he hugged and comforted me. Told me not to worry anymore kase hindi na ulit kami mawawalan ng baby. Yoko maging nega. Pero sobrang natatakot ako. Araw araw natatakot ako ๐Ÿ˜ญ kad3 baka pag naulit pa. Baka mabaliw na ako. #pleasehelp #pregnancy #rainbowbaby

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

had a miscarriage last jan31 dn this year at 6weeks, and we're trying to get pregnant ulit. and same super takot ako magkamiscarriage ulit, kaya kahit di pa preggy, after ng miscarriage ko naging mas maingat ako sa mga kinakaen at ginagawa huhu sobrang ibang iba kase kesa nung sa 1st baby namen, wala ako kaselan selan, nkpgwork at travel pako at 8 weeks sa 1st baby ko. Kaya totoo sinasabi nila na iba iba talaga mararanasan mo sa pregnancy mo ๐Ÿฅบ pregnant ako at 24y/o sa 1st baby ko then now 27y/o palang ako, pero sabi nila as we age daw kase pahirap ng pahirap magbuntis kaya ayun huhu

Magbasa pa

way back 2020, 2 miscarriage din ako. after ng madami try ngapositive na ulit. 5weeks palang ako ngayon. natatakot din ako kasi yung 2 baby ko 5-6 weeks lang din tumagal sakin non. for ultrasound na din ako ngayon week, andaming kong iniisip, paano paghindi na naman natuloy yung pagdevelop, paano kung wala na namab fetus, paano kung wala pa din sign ng baby. :( ngayon kada may mararamdamab ako na may discharge ako double tingin ako baka dugo. pray lang tayo mga mommy. pray at tiwala na eto na yung matagal na natin inaantay kay Lord

Magbasa pa
3y ago

medyo nakakabaliw pero kailangan natin maging ready at iwas sa kakaisip ng kung ano ano.

VIP Member

my first baby is a rainbow baby also, palagi ko napapanaginipan dn non nung nakunan ako na hinehele ko dw sya magdamagan na iyak din pero d ako nag move on kasi hindi naman sya kailangan kalimutan, ngayon 3 months old na ung rainbow baby namin nasasabi ko pa din sa kanya na meron syang kuya na angel nya ๐Ÿ˜Š ganun tlga momsh pag hindi para sa atin mahirap ipilit hayaan mo lang mangyari ung mga itinakda ni God basta binigay mo naman lahat bilang nanay eh..pray ka lang po to lessen your worry ๐Ÿ˜Š๐Ÿฅฐ

Magbasa pa

ako din.. noon pagkatapos Kong makunan ng dalawang beses ng magkasunod na taon sobrang sakit pero unexpectedly.. miracles ika nga pagkatapos ko makunan ng June 2021 nag positive ako..and now I am having my rainbow baby 31weeks.. at ilang weeks na lng makikita ko na sya na s sobrang pagsubok ng pinag daanan ko at tiniis mabuhay lang sya ilang weeks na lng makikita ko na sya..Ang panibagong simula ko kaya kapit lang mommy.. positive lang Sabi nga pag may nawawala may kapalit na saya..

Magbasa pa
3y ago

thank you mommy ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

pray lang po kayo Momshie. ioffer niyo lahat kay God and he will do the rest. nagbleeding din po ako nung 10week ko Praise God safe po si baby at naitakbo po ako aa Hospital. Awa po ng Diyos 24 weeks na din po ako ngayon and everyday asking God to guide us on my pregnancy journey thru PRAYERS. TRUST HIM with all your Heart๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ Pray, Hope and Don't Worry๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™Godbless po satin lahat. Tandaan po na pag happy tayo mas happy po si Baby sa tummy natin๐Ÿค—

Magbasa pa
3y ago

thank you po. kayo din momshie God bless sa inyo ni baby and sa family mu๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

I also lost my baby boy 12 days ago.. Nagpreterm labor ako at 30 weeks and 5 days, maliit lang si baby. Sabi pa ng doktor, more than 3 days na daw sya wala sa tyan ko plus napulupot pa ang cord sa leeg nya. Pina cremate ng parents ko si baby pra Kasama pa din namin palagi, our guardian angel. Nakabakasyon ako now from work and nagpapagaling. Hope to have my rainbow baby as well... Thank u pa din Kay God at d nya ako pinabayaan..๐Ÿ™

Magbasa pa

Nawala din po First baby ko 6 weeks last Aug 2021 after a month na pregnant po ako ulit sa rainbow baby ko at 7 months na ako now nakaka trauma po talaga lalo na pag mag ba banyo ka tingin tingi ka maigi if may blood sa undies โ˜น๏ธ pero need mo maging strong happy at the same time kasi sobrang bait ni God na ibinalik nya agad yung nawala mas healthy na ๐Ÿฅฐ Always pray lang po eat healthy foods keep hydrated.

Magbasa pa
3y ago

same tau.. naraspa dn ako last year July.. ngaun 3 months preggy.. pero kada iihi O may lumabas na something tingin agad ako sa panty ko kung dugo ba Yun.. natatakot na napapraning ako minsan. Laban lng..

Sis naexperience ko n dn yan na magpaka super stress dahil sa takot ko n mawala baby ko and hindi maganda ang nangyari nawalan si baby ng heartbeat,, malaking impact ang stress kay baby.. now im 7weeks pregnant and super healthy si baby tnry kong magpaka positive this time,. Try not to stress yourself too much makakaapekto kay baby m yan,, godbless sa pregnancy journey natin ๐Ÿฅฐ๐Ÿ™ praying for you.

Magbasa pa

di po talaga maiiwasan mag.isip ..ung sken po nmatay po ung 4yrs old baby girl ko 2018 dahil sa skit sa puso ..nakunan po ako 12weeks ng 2019 ..2020 po nasundan ulet di po nabuo si baby ...at ngaun po buntis ako simula po nalaman ko para akong praning na maya't maya nkacheck lage sa panty ko at sa heartbeat ni baby..lagi lang po tayo magdasal sa kaligtasan nila now po 26 weeks na po ako๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
3y ago

praying for you and your rainbow baby mommie. sobrang worried ako lagi. kada magsi-cr, kada may mararamdaman na kakaiba. sobrang natatakot na ako. pero ayoko masyado ma-feel kase mararamdaman din ni baby yun e.

I also lost my first baby last April 2021 halos 9 weeks old siya. Then nabuntis ulit ako last August 2021 pero at 5 weeks nagbleeding na naman ako at nawala si baby. Unexpectedly Iam 12 weeks pregnant now sa rainbow baby namin. Nakakapraning talaga and I also experienced managinip ng ganyan. Dasal lang palagi at tiwala sa taas.

Magbasa pa