Breastmilk & Formula Milk

Hi mommies, gusto ko lang mag share dito dahil sobra ako nagguilty 😞 31 weeker preemie ang baby ko at 9 months na siya ngayon. 24 days siya nagstay sa nicu at almost 1 month lang siya nag breastmilk pero hindi sakin galing ang milk dahil sobrang hina ng milk ko at halos walang lumalabas. After 1 month nag switch na siya sa formula. Kapag nakakakita ako ng babies na matataba at naka pure bm hindi ko maiwasan ma guilty dahil kahit minsan hindi ko manlang napa dede si baby. Healthy naman baby ko hindi siya super taba pero mabigat at ang weight nya ay pang 11 months na. Never padin siya nagkasakit sa awa ng diyos. Nakakalungkot lang minsan dahil kahit na hindi pa ako nabubuntis ang gusto ko talaga ay mapa breastfeed ang magiging baby ko hanggang 3 years old. Minsan ay may mga nagsasabi din sakin na kapag naka formula ay magiging sakitin at hindi lalaking matalino si baby 😒😒😒

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

relate ako sayo momsh, i also feel guilty na hindi ko naBF firstborn ko kaso ganun din mahina BM ko, sabi sa mga nababasa ko pa unli latch lang para lumakas and higop sabaw, kung anu2 pampagatas pa ininom at kinain ko pero wala naman effect.. nakaka frustrate lng kapag pinapapadede si baby kasi niluluwa niya at sobrang iyak.. nagpump ako, sus ginoo wala pang isang tablespoon nakuha ko.. kaya no choice nag formula na lang kami.. pero hindi totoo ung kapag Formula fed na bata eh sakitin at hindi lalaking matalino.. 2 kong pinsan formula fed, ni hindi pa magulay ang mga batang iyon pero ke tatalino.. similac milk nila nun kaya un dun bngay kong milk sa anak ko.. awa ng Diyos di pa naman kami naoospital.. mag3 na siya sa january.. di rin tabain pero matimbang.. magugulat k n lang pag binuhat mo.. sa ngayon iniisip ko na lang na di lang naman pagBF ang basehan ng pagiging mabuting nanay, there's more to it kaya cheer up po mommy.. iyon nga lang sobrang tipid sana kung nakapag BF ako

Magbasa pa