6 month old constipated
Hello mommies. FTM po Kakastart lang po ng 6 month old baby ko mag solids 2 weeks ago. Pero may times po na napansin ko hirap siya magpoop. May time pa na namumula na siya kakaire tapos onti lang lumalabas, parang isang piraso lang na kasing laki ng almond. Normal po ba 'to pag nagstart na ang baby magsolids? Ano po kaya pwede gawin? Thank you po.

Yung LO ko rin before pinakain ng samgyup ng relatives ng partner ko nag cr ako months pa lang sya nun mag t-two years old na sya now. naging constipated sya di natunawan iyak ng iyak. pinag suppository ko sya nun at more water
Kapag nagso-solids na po, even more reason na dapat daily ang poops nya. Kapag constipated, just like us adults, make sure na ma-fiber ang diet (more fruits and veggies) and lots of water (edit: /fluids) 🙂
Depende po mi, ano po pinakain nyo nung nahihirapan sya magpoops? 1 month na kami nagsosolid ni LO, di naman sya nahirapan magpoops kasi ang hilig nya mag water. More water din siguro kay LO mo
Hala bakit kaya. Si LO kung ano ano na kinakain e hehe. 1 oz lang muna kami kasi di pa nya maubos pag more than non hehe
Baby ko turning 7mos nung nkraang araw nhirapan dn sya magpoop nag dugo pa nga po pwet nya, ang ginawa ko lng pinainom ko sya mayat maya ng tubig ayun nging normal na po ult 😊
nagsolid food ang baby ko pero hindi sia constipated. napansin ko na tumigas ang poop nia dahil sa saging kaya bihira namin un ibigay at konti lang.
Baka po sa food na binigay niyo. Pwede din naninibago ang tiyan niya kaya ganyan. Massage niyo lang po ang tiyan niya.
w/ 2020 boy & 2024 girl