Paano mag pa register ng PSA ng BIRTH CERTIFICATE?

Mommies, FTM po ako. Sa Public Hospital po ako nanganak sa first baby ko, binigay samin yong certificate of live birth ng hospital. Sila na ba nag for forward non sa PSA or kami mismo ang maglalakad non? Malayo kasi hospital samin kung saan ako nanganak, married kami ng husband ko but di namin nadala marriage contract that time, pero naka apelyido sa asawa ko yong baby ko sa live birth nya. May PSA na kaya ang anak ko or kami mismo magpapa register? Sana po may makasagot. Thank you. #birthcertificate #baby #filipinobaby #ParentalJourney

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

ano po sabi sa hospital? binigay po ba agad after delivery and how many copies ang binalik sa inyo? if yes and more than 1 copy ang nasa inyo most likely kayo po ang magreregister. go to your local civil registrar po to process.

public den ako nanganak sa 2 babies ko mi, alam ko ikaw mismo magpapasa sa city municipal kung saan city ka mangaanak kapag na register na sya doon bibigyan ka ng claim stub. after 6mons pwede na kunin sa PSA

Basta po mau registration number na yung binigay sainyo na live birth and may stamp na din from your munisipyo register na po yun. Yng PSA copy ng baby ko after 1 year ako naka kuha ng copy

Basta duly received na po ng Local Civil Registrar, ok na po iyon. Dapat may OR rin po kayo ng Owner's copy of the cert. Magiging available na po copy sa PSA after ng ilang buwan.

basta may registry no napo ang bc ni baby register napo yun pati sa PSA wait ka lng ng 6 months bago ka makakuha ng psa copy

VIP Member

kayo po mismo mag bigay nang Birth Cert ni baby sa Local Registrar sa Lugar nyo den sila na mag submit non sa PSA πŸ₯°