Morning and Night Routine for LO

Hi mommies! FTM here! I have 2 questions. 1. Ask lang ako if ano ginagawa or routine nyo ni baby when your lo wakes up in the morning and before sleeping time at night? Thanks mga momsh! 4 months old n kasi si lo ko going 5 months 😊 kuha lang po ako idea. 2. Every playtime po ano po kaya magandang laro namin at toys na pwede sa kanya? Thank you sa mga sagot in advancemga momshieee! #1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa morning routine namen pinapaarawan namen si baby 30minutes. Lalagay lang sa stroller tapos ikot ikot. Habang iniikot ko sya kinakausap ko. Tinuturo ko yung sky, yung trees ganyan. Tapos play muna.. hinihiga pang namen sa crib tapos pinapakinig namen ng music. Meron syang rotating toy sa taas ng crib nya. Inaabot abot nya un. Maya maya liliguan na namen tapos magsleep na sya ulet. 5:30 kase gising na si baby. 7:30 nililiguan na. Pagkagising.. sa bed naman sya, tummy time naman tapos naglalagay kame ng mga things sa bed (colourful toys) at minispeaker sa bed, naeencourage sya gumapang. Minsan gagamit din kame ng rattles na nailaw para susundan nya ung tunog at ilaw. Pagpagud na sya, nap time naman yung next. Pagnagising, lalaruin na naman namen, more on facial expressions naman. Peek a boo ganyan. Tapos pwede mo sya itayo kase sabe ng pedia pag 4 months ioobliged na na ipastand si baby. After that pagmedyo malilom na, iikot na ng daddy nya. Nilalagay nya sa stroller tapos may music pa din, ikot ikot lang ulet. Sa gabi, nililinisan namen sya buong katawan. Punas lang ng luke warm water tapos change na ang damit at diapers tapos sleep na. 7:30 nagssleep na si baby.

Magbasa pa