HELP!
Hi mommies. First time mom here. 1 month na si baby ko today. I'm just a bit worried kasi kagabi, di talaga nya ako pinatulog. Di rin sya nakatulog ng maayos. Around 2:30am nagising sya. Akala ko yung usual routine lang nya na dedede tas matutulog ulit. Kso hinde. Nakadede na sya, matutulog sya pero saglit lang. As in 15-30 mins lang sguro tas magigising ulit sya. Tas iiyak, hihingi nnman ng milk. I tried giving her pacifier instead kaso ayaw nya. Sinubukan ko na dn buhatin, ipaghele, palitan ng diaper and papag burp pero wala parin. Umiiyak parin sya. Yung milk lang talaga nakakapagpatigil sa kanya. Sobrang bugnutin nya ngayon. Hanggang ngayon, 2pm di parin sya natutulog ng maayos. Tho ngayon di n sya umiiyak, di lng talaga sya natutulog. As in mulat. Ano kaya problema? Based on your experience. TIA.