Milk Suggestion.
Hello mommies. First pregnancy ko po. Any recommendation po sa Milk na pwede ko inumin? Dami kasi nagsasabi may milk na nakakasuka daw po ang lasa. Ano milk niyo noong kayo po pregnant? Tia #Going5mospreggy #21yearsold
17w6d firstime preggy here. Recommended po ni OB saken, Anmum vanilla simula nung nagpa checkup ako sakanya last 8weeks. Nakakasuka sya sabe ng karamihan kaya hindi ko na nag try (nung hindi pa rin kase ako nabubuntis, ayoko na talaga ng milk, nasusuka na talaga ako unless may choco) kinukulet ko si OB baka pwede Anmum choco, e ayaw talaga. Kaya ayun, nag vanilla ako, nilalagyan ko 1tbsp, advice ng iba saken and para naman nga yun kay bebe, kaya tiisin ko. nung nilagyan ko din naman sya milo, masarap sya. tapos netong last pa OB ko, pumayag na sya mag Anmum choco ako nakapag vanilla na daw kase ako e. Mas okay daw talaga kay bebe ang vanilla as per my OB. inuubos ko nalang vanilla ngayon, mag choco nako next bile.
Magbasa paHi mami, iba iba naman po kasi panlasa natin. Pwedeng yung masarap na milk sa iba, hindi naman masarap sa ibang preggy. Bili lang po muna kayo ng maliit na box milk and magtry hanggang sa mahanap niyo preferred niyong taste. Sakin kasi before anmum hindi ko rin ganun katrip ang lasa. Tinitiis ko lang then I changed it to enfamama and mas okay siya sakin. :)
Magbasa paTry mo rin yung promama sis..marasap sya compare sa anmum😁..mejo mahal nga lang..nirecommend sya sakin ng OB ko.mas nagustuhan ko sya kesa sa anmum.ndi ko kc malunok ng ayos yung anmum lalo n yung vanilla..pero yung promama masarap sya khit vanilla flavor😊
me hindi ko matolerate ang lasa ng maternal milk kasi sinusuka ko lang talaga after inumin kaya binawi ko sa vegetables , fruits and fresh milk sis :) okey lang naman sabi ng OB ko as long as may alternative ka sa maternal milk :)
Nung buntis pa ako, anmum iniinom ko. First enfamama, then nag switch ako sa anmum kasi binilihan ako ng husband ko. Yun ok naman sya. 🙂 napaka healthy ng Baby Girl namin paglabas nung last sunday. ☺❤
Okay lang po na birch tree na gatas ang inumin ko wlaa pa nman sinabi sakin kung ano dapat inumin ko eh..sa center pa lang po ako nakapagpacheck up. Birch tree na po kasi iniinum ko kahit nung hndi pa ako buntis
Nagsuggest sakin dati yung OB ko na, Bear brand daw ang inumin ko instead of Anmum kasi nakakalaki daw ng baby at kapag ganun, baka maCS. Pero, siguro nakadepende pa din yun kung saan ka mahihiyang 🙂
Kung nature mo naman mag gatas sis hindi po siya nakakasuka. 😊 anmum plain milk lang iniinom ko. Ganyan din sabi nila saken but since nung natikman at mahilig ako sa gatas, not bad naman as ftm
Nirecommend sakin ng ob ko prenagen tas ngayon pong 8mos ko promama na po, nakakataba daw po kasi ang anmum eh nung una po yun po iniinom ko tas pinalitan po
I see, thanks sa info nagpplano din ako mag palit
Anmum ang ininom ko nung buntis ako... Nakakasuka daw ang anmum sabi ng iba pero hindi naman ako nasuka nung umiinom ako niyan...
Kate's Mom ❤️