Heartbeat 11 weeks

Hi mommies dapat po ba talaga 18 weeks ng preggy bago malaman ung heartbeat ni baby? 11 weeks preggy na po ako, and sabi ng ob ko balik ako pag 18 weeks na ang tyan ko para sa heartbeat ni baby wala pa daw po kase madedetect. Thank po sa sasagot.

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

meron na po yan, tapos kanina check up ko sa OB tinry niya ako i-doppler sabi niya not sure kung meron na ma detect kasi ka 12weeks ko lang today, na surprise kami meron na eh. healthy daw si baby good ang cardiac activity niya. naiyak pa ako nung marinig ko yung hb ni baby🥰🥰

unang transv ko i was 6wks and 3days preggy. may blink blink sa monitor sabi yun daw yung heartbeat ni baby. nagpa check up ako ulit nung mag 3mos si baby, hinanap ni ob yung heartbeat nya thru doppler and nadetect naman nya

transv in 7 weeks may heartbeat na si baby pero if doppler ang tinutukoy mo 18-onwards madedetect ang hb ni baby. sakin kasi in 7weeks meron na lalo pag transv pero sa doppler di pa siya madetect kasi maliit pa si baby

VIP Member

Pag thru doppler po hindi po talaga maririnig agad sa first trimester. Thru TVS makikita at maririnig ung HB ni baby. Kaya po pinapabalik ka ng 18weeks kc mas lumaki na si baby. Maririnig na sa doppler.

as early as 8 weeks po yata meron na. pero yung ob ko, sinuggest nya na magpa-utz ako at 12 weeks, meron naman na syang heartbeat nun. hehe my little boy is 3mos old now 😊❤

baka sa doppler po kaya di pa marinig.. ganyan kasi ako.. pag balik mo pag wala pa rn marinig ultrasound kna...same sakin.. malikot lng dw si baby kaya di ma detect sa doppler.

sa TV's may heartbeat na si baby, sa doppler 15weeks may naririnig na OB ko.. Hindi tlaga marinig sa doppler kapag maliit pa momsh ..

7 weeks sakin ng ma detect na ang heartbeat at nakita sya, nong unang check up ko kasi 5 weeks and 3 days plng kaya masyadong early

nope, me 6 weeks my heart beat na si baby, 114bpm , 14 weeks 128bpm and ngayon 18 weeks 141bpm na siya.

Sakin 6 weeks nadetect na thru TVS pero kung gamit ang doppler ng OB...13-14 weeks daw meron na yan..