36WEEKS & 2DAYS!

Hi mommies ❤️ Ask ko lang yung mababa na ba? Sabi kasi sakin nung father ng partner ko mataas pa daw need ko daw ipahilot pero natatakot naman ako sa hilot and feeling ko hindi pa sya umiikot parang suhi sya, Ano po bang dapat kong gawin para umikot sya at pumwesto na sya Due date ko sa Center MAY 24 & dito sa app pero sa ultrasound ko ang Due Date ko is MAY 15. #pleasehelp me naman po sobrang natatakot po ako baka suhi sya dahil wala akong pang CS gusto ko po normal delivery lang dahil wala po kaming masyadong ipon sobrang stress na nga po ako kasi di pa kompleto ang gamit nya wala pa syang oils and alcohol na need talaga namin pati mga damit nya ilang piraso palang. #advicepls #pleasehelp #firstbaby #1stimemom ANO PONG DAPAT KONG GAWIN PARA BUMABA NA YUNG TYAN KO AT PARA UMIKOT NA SI BABY AT PUMWESTO NA. THANK YOU PO SA SASAGOT NG ASAP ❤️ GODBLESS 🙏

36WEEKS & 2DAYS!
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Iikot pa yan mamshie PRAY lang🙏🏻 kausap kausapin mo lang si baby. And pano mo nalaman suhi? Nakita sa UTZ? Pero kung sabi sabi lang na suhi wag basta maniniwala ha UTZ lang makakapag sabi ng mga ganyan bagay. And 36weeks ka palang naman mamshie normal pa na ganyan sya kataas konting weeks pa lakad lakad kana,squatting mga ganun. And WAG NA WAG KA PO MAG PAPAHILOT mas madami po kaming patient mas naging delikado and naging worse nung nag pahilot sila. Bilang medical field hindi ako against sa mga nag hihilot pero dahil sa mga experience ko s amga patient namin masasabi ko talaga na BIG NO hindi sya advisable.

Magbasa pa
4y ago

Kasi po nung Feb9 nagpaultrasound ako breech po sya pero 6months palang po tyan ko nun.

VIP Member

Wag po magpa hilot,delikado lalo palapit na ka buwanan mo at isa pa 36weeks medyo early pa yung iba pa nga umaabot pa ng 38-40 weeks.Gawin mo uminom ng maraming tubig at dapat left side ang paghiga the best din kausapin si baby palagi.At wag po manghula kung suhi o hindi si baby mo once na d kpa nkpag ultrasound the best thing pa ultrasound ka..Iwasang ma stress kung pwedi lang kasi si baby ang maapektohan..God bless and keep safe sa inyo ni baby♥️

Magbasa pa

malalaman nio po s ultrasound nio ung result kung in breech presentation(suhi or paa ung nsa tapat ng pwerta? or in cephalic presentation(nkpwesto n yung ulo ng bata s pwerta? ako kse mausisa s o.b ko tinatanong ko mga nklgay s ultrasound ko at d same time sinesearch ko s internet kung ano ibig sbhin pag d ko alam yung nklgay s result..6 mos s ultrasound ko in breech ako pero nung 7mos ultra sound ko nging cephalic n nkpwesto na baby ko khit no need kse cs nman ako..

Magbasa pa

kng suhi po sya sundin mo n byenan mo ipa hilot mo n kng gs2 mong i normal delivery, kc s 36 weeks ang liit n ng chance n umikot p yan, so possible n ma CS k tlg pg breech prin yan, samahan mo nlng ng taimtim n dasal habang hinihilot k pra dka mtakot. s dlwang ank q nagpa2hilot tlg q pg 7mnths, pero ngaun 3rd baby q n dna q mgpa2hilot kc nka cephalic nmn c baby 30weeks here

Magbasa pa

wag ka masyado mag worried mamsh 36 weeks and 2days palang Naman ako nga mamsh 36 and 5days Ganyan din, iikot pa Yan mamsh pag talagang malapit kana manganak at tsaka required ka Naman mag pa ultrasound pag malapit na kabwanan mo dun mo talaga malalaman Kung suhe sya or naka posisyon na sya. wag ka masyadong mag worried kalma kalang mamsh poposisyon din si baby.

Magbasa pa

Mommy wala sa baba at taas yan..kung di tlga ng cooperate cervix nyo, emergncy CS tlga..sis in law ko po..5months plng ung tiyan sobrang baba na kala namin lhat normal.. 2days pa labor nya..ilang primrose na sinalpak sa pempem nya at pina inum..wa epek..stuck at 3cm parin kya na emergncy c.s.. kc bka mkakain na ng dumi nya c baby..

Magbasa pa
VIP Member

Pano mo po ba nalaman na suhi sya? Ultrasound lang ang makakapagsabi kung suhi talaga sya ee. About sa due date mo po, sundin mo yung nasa center kasi yun yung naka-based sa LMP mo. Pinaka-late na pwedeng lumabas si baby is 40-42 weeks, kaya bababa pa po yan kung 36 weeks ka pa lang. Basta lakad-lakad ka lang po at squat din.

Magbasa pa
4y ago

Hindi ko masasabi, ma, ee. I suggest you talk to your OB kung anong mga pwede mong gawin.

me po sabi ng midwife ko at 33 and 4days naka pwesto na si baby mababa na tyan ko naninigas kaya need ko mag pa inject ng steroids ayun awa ni Lord eh tapos nko sa injection ko, ingat nlng tlaga till ma reach namin ni baby ang 37weeks para d gumastos ng malaki .. lakad lakad ka lang po and pray is the best thing ..

Magbasa pa
VIP Member

First of all mommy, wag po mastress. heheh ipagpray po natin na mainormal delivery mo sya. Better din po to consult with your OB, your OB might ask you to get an ultrasound para malaman talaga ang position ng baby mo po.Follow nyo po si Doc Bev sa fb,dami kang matututunan. ☺️ God bless your pregnancy.

Magbasa pa

take a walk momsh, umaga at hapon. wag kang pa-stress. kausapin mo si baby kahit nasa tummy mo pa. basta importante ang pre-natal check up mo, pwd mo kausapin ang midwife kung anu mga nagpapabagabag sayu regarding sa pagbubuntis mo, mas may alam sila.