218 Replies
Me, 37 weeks na. Sobrang stressful pa sa work... Madalas 7 days a week pa ako.. Site/Project Engineer ako... Working pa rin. Pero baka magleave na next week at nagrereklamo na ung baby sa tyan ko hehehe.
I worked until my 38th week sa first pregnancy ko (gave birth on my 40th week) - was also driving daily from Paranaque to Taguig that time :) Planning to do the same thing for this second pregnancy.
me til now... nasa office ako as of this moment... 38weeks preggy. basta safe lang lagi kada pag pasok ko at pag uwie. .. shifting hours ko 9am to depends if what time ako uuwie. minsan 7pm or 9pm
38weeks. Office work. Natakot si husband kasi naglalakad lang ako minsan pauwi. Baka daw manganak ako sa daan. Pero depende naman sa iyo yan kung kaya mo until sa malapit ng lumabas si baby. 😊
Ako po till 8 months,nasa BPO ako dayshift naman, nagrequest na ako kase malayo ang byahe, saka mahirap sumakay. Humingi ako sa ob ko ng recommendation. Pakiramdaman mo mamshie Kung Kaya mo pa.
ako naman sales staff sa SM dept. store before, may2018 nag resign ako, sobrang maselan kasi at palagi akong hilo at pagod din sa araw araw na byahe kasi malayo, den nanganak ako oct.2018 😅
Until 5 mos nagwork pa ako, kaso nag resign na din ako kasi nagrelocate ako sa Baguio. Depende sa katawan nyo kung sa tingin mo kaya mo, may iba kaya hanggang 8mos sa mga walang complications.
Ako simula ng mabuntis ako at kabwanan ko nagwowork pa rin ako tapos medyo may naramdaman akong sakit sa balakang ko .. Nagleave na ako agad kinayabihan naglalabor na ako, Memorable moment.
ako nakapasok pa til the day na manganak ako. hehe! napaaga nga lang si baby. tagtag kasi kakalakad. mas ok pag ganun. masusulit mo pag aalaga kay baby bago bumalik sa work.
until kaya pa mommy, basta magaan lang din ang work. Mas ok na din yung hindi agad magleave para masulit ang time paglumabas na ang baby. 😊 33weeks preggy here. 😊