Kidney Stones during pregnancy
Hi mommies! Ask ko lang mga nakaexperience ng kidney stones during their pregnancy. Kamusta po experience niyo and ano ano po mga ginawa niyo? 35 weeks na po ako and diagnosed with UTI. Naka antibacterial meds naman po ako then kahapon nakapunta ako er because sobrang kirot ng left side ko from under the ribs to bladder. Sabi ni doc, possible na kidney stones and niresetahan lang ako ng dolo-neurobion and yun lang daw talaga as of now ang pwedeng gawin and drink lots of fluids since magpapass naman daw ito. For now, tiis tiis muna sa sakit kahit sobrang kumikirot huhu Alam po lahat ni ob yung meds ko since yung er na pinuntahan namin is doctor din siya sa hospital na yun. Sa mga mommies na nakaexperience po nito, ano po mga nagawa niyo to reduce the pain bukod sa meds? Thank you!