Any other remedy for cough? Sana mapansin. Long post po 🥹🥹

Hello Mommies! Ask ko lang if meron na po sa inyo nakapag try ng Oregano for cough and colds? Grabe kase ubo ko ngayon. 6 months pregnant na po. Dumadating na ako sa point na isinusuka ko na. And sobrang pressure sa puson. Nangaling nako sa OB at ayaw nya muna mag reseta ng gamot sa ubo since sobrang selan ng pagbubuntis ko. Kakagaling ko lang sa hemorrhage at ngayon low lying placenta. Dahil sa condition ko kaya pinag bebedrest lang muna ako and double dose of vitamins and more water intake. May oregano po kami dito sa bahay, pwede ko kaya i-take ito? Sobrang hirap nako sa pag ubo at baradong ilong. Take note: Nakapag try nako mag suob with vicks, Katinko, nakapag try nadin ako ng lemon juice, dalandan juice, at calamansi juice. (Warm) nakapag try nadin ako ng water with salt, Nakapag try nadin ako ng Calamansi with ginger and yet walang epekto. Ang dami ko na nasubukan pero sobrang lala padin at mag 1 month na ubo ko. Any advice please? By the way May nakapag sabi pala saken na safe daw ang fluimucil sa buntis and ascof lagundi capsule. Nurse po sya sa lying in clinic na pinag checheck upan namin for emergencies (2nd OB ko yung nagmomonitor saken dito) . Confirm ko lang sana mommies kung okay ba talaga. Currently out of town naman pinaka OB ko dahil mag long vacation kaya wala sila sa pinas kaya diko ma consult sa kanya yung condition ko. At si 2nd OB naman wala in as of the moment na naga check up ako kahapon October 25, 2023. Kaya yung nurse na may ari ng lying in un ang sabi nya na usually pineprescribe sa buntis na may grabeng ubo. Fluimucil and ascof lagundi. Help mommies :(

4 Replies

Hindi ko pa po tried ang oregano but a simple google search show results saying that taking it as a medicine is not safe for pregnancy. Personally what works for me is RAW HONEY, nilalagay ko sa freshly boiled ginger as tea. However, curious lang po ako kung na ipacheckup nyo na iyang mismong ubo nyo? Matagal na po kasi ang one month. Mas maganda kasi po sana kung alam nyo kung ano ang mismong cause... Get well soon, mommy...

thank you. actually mii pabalik balik sya kaya tumagal ng 1 month. nawala na sana to last time kaso nahawa lang ulit kase halos lahat dito sa bahay may ubo din at sipon mula sa mga kids hanggang saming adults 10 kami lahat dito magkakasama sa bahay. sobrang tagal na namin din nag gagamutan pero dipa kami nagsisigaling. ang hirap din mag isolate gawa ng kailangan mo din kumilos at di maiwasan na magkaka encounter dito sa bahay. unless ako ang aalis ng bahay since ako lang naman ang preggy and need talaga mag isolate.

I feel you Po gnyang gnyan din Ako pabalik balik na ubo. na try ko na din lahat. nireseta lng sakin Ng ob ko is lagundi ayaw din nya Ako resitahan nang antibiotic,tpos Sabi nya baka nmn daw allergy lang. hmmm binalak ko din uminom Ng oregano pero, Sabi d daw pwd since oregano pwd mag cause Ng miscarriage pag buntis daw Po. I suggest more water nlng Tayo siguro mi Iwas sa mga alam nmin makakapagpalala Ng ubo ntin..

sige po thankyou. nahirapan din ako gamutin saken kase parang lahat di effective. inaantay ko nalang kusa sya mag subside. pero kahapon diko na kinaya yung ubo grabe atake nya miii. nananakit talaga puson ko. niresetahan ako sa lying in clinic ng fluimucil once a day at lagundi capsule 3x a day. diko pa ganon karamdam effect pero umaasa ako na gumaling nako

VIP Member

Ako mami pinagtake ng ceterizine ng OB ko kasi kapag gabi grabe ang ubo ko, magpaconsult kana sa OB mo mami.

2x a day ung ascorbic acid, tas honey+lemon juice. more on oranges at ung mga vitamin c at madaming water

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles