Mister Na Parang Nag Sasawa Na?

Hi mommies ask klang anong pwde kung gawin para di maka ramdam ng pananawa si Mister sakin? ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa case ko with hubby, simula nung magbf/gf palang kami up until now this is what I learned about the emotional needs of a man. 1. Attractive Partner - Be you kung ano ka nung niligawan ka nya. Gusto nila yung babaeng niligawan nila from the beginning. Try to reflect at yourself now, nagbago ka ba? Naging mas mabunganga ka na ba ngayong mag-asawa na kayong dalawa? Puro negative nalang ba yung sinasabi mo sakanya at wala na masyadong positive o compliments? Madalas ba kayong magtalo sa pera? If may negative changes, then you need to work on that first. 2. Domestic Support - Pag-aalaga sa bahay at kay mister. May mga needs kasi ang mga lalaki na minsan kapag pagod sila sa work, gusto nila yung malinis na yung bahay at aasikasuhin mo na lang sila. Sa case na to, dito din mabibuild yung bond nyo mag-asawa pagdating o lalung-lalo na sa hapunan, kailangan sabay kayong kumain at pag-usapan yung buong maghapon. Kmusta kaya si mister? Kmusta yung work nya? Pagod ba sya? Okay lang ba sya? 3. Recreational Companionship - Kalaro in short. Gusto nila na meron din kayong bonding mag-asawa na puro happiness lang. Try mo syang tanungin kung halimbawa mahilig sya sa mga online games. Dear, ano bang maganda dyan sa mobile legends? Paano ba yan nilalaro? Pwede mo ba akong turuan? Tignan natin kung kaya ko ding maglaro nyan. Instead of you na papagalitan mo sya kaagad dahil hawak na naman nya ang cp nya sa mobile games. Take note: Ang mga husband natin, tao din yan, napapagod din sila sa maghapong kakatrabaho at sa paghahanap ng maitutustos sa inyong pamilya. Minsan kasi ang mga lalaki, yan lang din yung outlet nila kapag pagod or stress sila masyado sa work eh. Tulad lang din natin sila. Syempre, samahan mo nalang kumbaga, at syempre dapat mag-enjoy ka din sa nilalaro nyo or pinapanood nyong movie dahil bonding nyong mag-asawa yan. 4. Physical Intimacy - Ieexplain ko pa ba to? Hahaha. Joke! 😂 Gusto ng mga lalaki yung may time kayong maglambingan eh. Kung matagal na kayo ni mister at huling-huli nyo na talaga yung kiliti ng isa't-isa o kapag feeling mo nagiging scripted na yung pagmemake love nyo, try mo din mag-explore ng mga panibagong ways to satisfy your partner. Isang bagay na gustong-gusto nila ay yung sinusurprise mo sila pagdating sa bagay na to. Yung may thrill. Yung nakakagana. Yung nakakaexcite. Subukan mong ikaw ang mag-aya. Bigla mo nalang iunbotton/tanggalin yung shirt nya, piringan sya sa mata o itali ang mga kamay nya. Tapos dumiretso ka kaagad sa ibaba. Gawan mo ng diskarte yung sa tingin mong mas nakakapleasure para sakanila. Instead na ikiss mo sya from top to bottom, itry mo naman yung bottom to top. Tapos hulihin mo kung saan sya napepleasure sa baba. Nagets mo? Dapat mo ding pag-aralan yung reaction nya sa mga ginagawa mo para alam mo kung ano yung isusunod mo at kung saang parte ka ng katawan nya magfofocus in that case pareho kayong may excitement! 😊 5. Admiration - Congrats! Ang haba ng binasa mo. Hahaha. Joke, ito na yung last. Ito naman yung bagay na gusto nilang hinahangaan mo sila. Yung bilib mo sa partner mo, yung tiwala mo sa mga kakayahan nya, pagcocompliment at pag-aappreciate mo sakanila is what they often look up to you. Gusto nila na hinahangaan at nirerespeto mo sila. One small act that shows your appreciation to them is to look at them straight in the eye kapag nagkukwento sila. Yung ipapakita mo talaga na nakikinig at intresado ka sa mga sinasabi nila. Yung kapag may kinwento sila sayong nakakatuwa, pati ikaw matutuwa. Kapag naman nakakainis, ikaw na dapat yung kusang gumawa ng way para maalis yung negative ambiance. Try nyong kumain sa labas tapos papiliin mo sya kung saan o anong gusto nyang kainin, sabihin mo sagot mo. They'll surely appreciate that. Sabi nga nila one way to win a man's heart is through his stomach, hindi naman ibig sabihin nun eh kailangan mo syang araw-araw paglutuan, kung busy ka sa bahay at hindi nakapagluto, no worries! For sure gusto din ni mister na kumain naman sa labas paminsan-minsan. Oh diba may instant date na kayo agad? Baka nga makipagtalo pa sila sayo sa pagsplit ng bill or gusto nyang sya na talaga magbayad lahat. After kumain, pag-usapan nyo yung kinain nyo kung okay ba, kung masarap ba o hindi. Pag-usapan nyo nyo kung makakaulit pa ba kayo dun sa kinainan nyo next time, in that way, mas mabibuild pa lalo yung samahan nyo. Maliit lang na bagay kung tutuusin pero sobrang laki ng impact sa buhay may asawa. 😊❤ ----- Ps. Itong mga sinulat ko ay guide lamang kung papaano mas pasasayahin ang buhay mag-asawa. Kung may gusto pa kayong idagdag feel free to comment down below. ☺❤

Magbasa pa