Activities for your baby to talk

Hi mommies, Anu-ano pong activities ng pinagawa nyo sa mga baby nyo para makapagsalita na sila? 2 years old na po kasi ng anak ko pero hindi pa po sya masyado makabuo ng words. Mama, papa, yes, wow. Yan pa lang nababanggit nya ng buo. Yungmilk nya, "mi" lang, yung bird "bi" lang. Kinakausap ko naman sya lagi at binabasahan ng books. Nagwoworry na po kasi ako. Baka po may maadvice kayong activities para matulungan syang magsalita. Thank you po😊

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Zero Gadgets . since birth si baby ko kahit ako hindi ako nanunuod na ng TV . yes kahit po TV bawal. etong cp ko hindi nagagamit ng baby ko.. tumitingin lang siya pag Videocalls.. ngayon 19mos old baby boy ko madami na nasasabi.. naeexpress na din niya lahat ng gusto niya..🥰 tama po ginagawa niyo activities na nagbabasa ng books.. mga educational toys din mi.. sa baby ko hindi siya natututo agad sa flashcards.. yung totoong bagay na nakikita niya ang mas nalalaman niya muna saka ko papakita yung flashcards🥰 kung may ibang kids din dyan senyo mas maganda para makalaro ng baby mo.. Godbless mi..

Magbasa pa
11mo ago

thank you so much po mii😊