Vitamins for my baby
Hi mommies! Ano po kaya magandang vitamins for my baby. 6 weeks napo siya at gusto ko mapalakas pa lalo resistensya nya. Salamat Po.
FYI from a Pediatrician's facebook page. HUGOT: Kamakailan ay dumarami na naman ang nagtatanong sa akin (sa social media)... “Doc, ano po ang BEST vitamins for my baby?” “Doc, pwede po bang dalawa ang vitamins ng anak ko?” “Doc, lahat ng vitamins nasubukan ko na pero hindi pa rin siya tumataba.” * Unang-una sa lahat, paano ako makakapagreseta o makakapag-recommend kung ano ang nararapat na supplement sa bata EH NI HINDI KO PA NGA ALAM KUNG SINO ANG PASYENTE AT ANO ANG MEDICAL HISTORY NIYA! - bago ako magreseta ng supplement, ang pinakaunang tanong, KAILANGAN BA TALAGA NG ANAK MO YAN? - at kung kailangan man niya ng supplement, kailangan muna ang mga detalye simula nang ipanganak ang bata, ang pattern or trend ng kanyang paglaki (weight, height, BMI), madalas ba siyang magkasakit?, may mga senyales ba ng nutritional deficiency ang bata sa physical examination ng pedia?, ano ang source ng nutrition niya?, kumakain ba siya nang maayos?, feeding pattern, etc. * Ang pagrereseta ng supplements, gaya ng ibang gamot ay dapat LAGING MAY DAHILAN. Hindi pwedeng gusto mong bigyan ang anak mo ng supplement DAHIL TRIP MO LANG, DAHIL SABI NILA, DAHIL GANITO RAW KASI ANG NAKAUGALIAN, DAHIL GANITO KASI ANG GAMIT NG KAPITBAHAY - tandaan, ang pagbibigay ng labis at hindi akma ay maaaring MAKASAMA sa inyong anak * Bakit mo kailangan ng dalawang brands ng vitamins? gusto mo lang gumastos? o gusto mong MAOVERDOSE ang anak mo? - Wala, hindi ko na to kayang sagutin. Bigla na lang talaga tumitirik ang mata ko sa eksenang ganito * Eh yun na nga, halos ilublob mo na siya sa isang drum ng supplement pero hindi pa rin tumataba. MALAMANG! eh umaasa ka lang sa supplement pero HINDI MO NAMAN PINAPAKAIN NG MAAYOS ANG BATA. - sino ba kasi nagsabing may calories ang laman ng bote na yan? - kung ang anak mo ay kumakain nang maayos, maaaring hindi na siya mangailangan ng supplement (liban na lang sa ilang nirerekomenda sa special cases, age group, etc) #WagMakulit #GigilNaNamanAko
Magbasa paHi mommy. Regarding sa mga vitamins ng baby mas maganda po si pedia ang mag reseta kasi bbigyan ka nya ng best options 😊
Best to consult with your pedia po kasi iba iba naman needs nga babies natin 😊
Much better to ask your pedia po.
mas okay po iconsult sa pedia