Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin na first time mom din na nanganak sa public hosp. 8/10. Before nag aalangan din talaga ko manganak sa public same reason dahil sa mga nababasa ko din at nagrresearch din talaga ko and ganon nga masusungit at massama bibig ng mga staff doon dahil naexperience ko mismo. Pero except doon okay na okay naman lalo na kung gusto mo talaga mag budget at walang bayaran. 10k ang bill ko then kay baby 13k pero ni piso wala kami binayaran. 2 weeks pa kami non sa hosp. dahil yellow pa si baby walang infection pero mataas ang White blood cells niya, kapag ganon hindi nila pinapalabas agad pinag aantibiotic pa muna si baby for 7days para saakin ok na ok kasi walang ganon sa mga lying in imbis na sa labas mo ggamutin na aabutin ng libo libo doon libre lang kumpleto pa mga equipments nila, complete vaccine din si baby, even new born screening na mahal sa labas libre. Everday check up din ang mga baby dun, my libre food pero expect na hindi pambonggahan food, sa facilities naman expect mo talaga my kashare ka sa bed dahil public nga minsan umabot pa kami 3 babies sa bed tapos yung mga magulang sa upuan nalang marami naman upuan, mga cr every hour bagong linis hindi ganon kadumi my shower pa nga, my flash din. And masasabi ko rin na swerte ako dahil mabait yung nag paanak sakin ☺️ sobrang caring, at first iba yung mga nagbabantay na midwife shifting kasi siya nung naglalabor palang ako grabe kung magsalita yung mga midwife samin na naglalabor din grabe sobrang bastos talaga ng bunganga pero swerte ako na umabot pa ko sa shift nung pumalit mabait siya at napaka ayos rin ng tahi niya sa pwerta ko inayos niya mabuti after ko manganak walang kasakit sakit ako nararamdaman at hirap sa pag upo kaya sobrang thankful ko sa nagpaanak sakin❣️ang masasabi ko lang depende parin sa tao, I suggest kung mahina ka at papaapekto ka sa mga tao don then wag ka mag public hindi rin siya pang maarte, expect na my mga bastos na staff but wag ilahat dahil my mga mababait parin naman, and kung tatanungin ako kung uulit ako i will say yes uulit ako manganak sa public.

Magbasa pa
2y ago

Taga saan po kayo momshie?