Only child

Mommies agree ba kayo na kapag only child ung anak nyo is talagang maligalig at nagiging pilyo minsan? Kaso marami nagsasabi sakin na only child rw kc anak ko kaya laging maligalig at minsan ay nagpipilyo. 4 yrs old na po sya turning 5 this january

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dipende pano pinalaki may anak din ako only child sya in 8years bago namin na sundan, pero mabait Naman anak ko Kung tutuusin di nga sya namin sinanay sa labas ngayon nalang pero mabait Naman sya marunong makisama kaya gustong gusto sya Ng mga taga dto samen,tinuturuan din namin sya na wag maging madamot sinanay namin sya maging mapag bigay, at pag may nang away wag gagantihan sasabihin nya samen,syaka di rin sya ung batang pag naka Kita Ng gusto e iiyakan, kahit san bilihin mo sya dalhin di sya mahilig mag turo kami pa nag kukusa bumili😊

Magbasa pa

Normal naman sa bata yan, only child o hindi. Pero nasa sayo kung paano mo ihuhulma ang pag-uugali ng bata. Baka sabik lang sa kalaro si baby? Baka marami lang energy na hindi nagagamit o nailalabas? Mainam mommy, if maihanap mo siya ng activity na magagamit niya yung energy niya at makakapag-socialize sa ibang bata o grown-ups, tapos i-observe mo lang.

Magbasa pa
5y ago

Naku mommy, diyan na ata papasok ang tough love. Ikaw pa din ang masusunod, hayaan mong nagtantrums, pero kausapin mo pag kalmado na. Bigyan mo lang ng oras sa labas. Ingat din sa pagpapalabas ng bata ng walang bantay ha, maraming sira ulo ngayon.

TapFluencer

Depende kung pano pinalaki ng magulang. May mga batang hindi naman only child, pero spoiled brat. I have a cousin na only child, pero di naman sya spoiled. Maayos pagpapalaki sa kanya. Maaga sya tinuruan sa gawaing bahay, she's responsible and independent.

lumaking only child ang asawa ko for 17 years and hindi siya spoiled. actually sobrang bait at generous. hindi madamot and hindi feeling entitled. depende sa pagpapalaki.

VIP Member

Depende pa din po yun sa pagpapalaki, I mean pag po nasanay sa mga bagay bagay at napagbibigyan nagiging maligalig o pilyo. Kumbaga di kayo sinusunod

VIP Member

Depende po talaga sa bata and sa pagpapalaki ninyo bilang magulang. Yung mga kapatid ko puro tig-isa lang yung anak. Di sila pare-pareho.

Dipende po siguro sa pagpapalaki nyo, iba iba naman po tayo. May iba naiispoiled kaya ganun.

Kung lalaki yan its normal na pilyo talaga ang batang lalake

Depende yan sa pagpapalaki at sa mga nakakasalamuha

Depende kung pa'no i-spoil or i-tolerate ng parents.