Advice para sa pagbreastfeed while working
Hi mommies! 4 months old po baby ko and nagpaplano na po ako bumalik sa work. Okay lang po kaya na mastop yung breastfeeding niya ng morning tapos changed into formula? Mixed yung feeding niya since 3 months old siya pero more on breastfeeding siya pag morning. Okay lang kaya magformula siya pag nagstart nako ng work? Or may other ways kayo na ginawa para di malihisan ng breastmilk babies niyo. Thank you po sa sasagot

Recommended and very beneficial po for baby na makapag-exclusively breastfed for the first 6 months. But to be able to do so is not without a lot of sacrifice. Hindi ko po kayo masasagot about mixed feeding, pero should you like to continue breastfeeding, pwede po kayo magpump ng bm nyo para maiwan kay baby habang nasa work kayo. Then pump din po kayo at work, store properly, para may bm ulit si baby for the next day. Nasa batas po ang pagbibigay ng paid Lactation periods "the law requires not less than 40 minutes of lactation break for every 8-hour working period" (https://www.officialgazette.gov.ph/2010/03/16/republic-act-no-10028/) 1.0 - 1.5oz of bm per hr po dapat ang consumption ni baby, then direct latch na pag-uwi nyo ng bahay, doon po sya babawi. Cup feeding is recommended para hindi magkaroon ng nipple confusion si baby that might cause poor latch and low milk supply. That is if you decide to EBF. For mixed feeding, better po to consult with your pedia kung ano ang dapat na formula milk for your baby☺️
Magbasa paHello working mom here Mixed feeding ang baby ko nung nakamaternity leave ako tapos direct latch 2 weeks before ako bumalik sa work sinanay ko si baby na mag bottle kahit breast milk nung una super hirap kasi nagkakanipple confusion sya nakakaawa pag umiiyak tapos ayaw nya sa bote pero kailangan pero ngayon 1 month nakong working mom Bago ko pumasok sa umaga pinapalatch ko si baby habang asa bahay ako then formula pag nasa work ako Then paguuwi ako sa gabi breastmilk sya
Magbasa paThank you mommy. Will do that po. Nakapagmixed feeding naman po siya 3 months old palang. 😇 Sobrang helpful din po nito knowing na same situation tayo.