masakit na singit (pelvic bone/pubic bone)

Hello mommies, 24weeks pregnant po ako. 1st time mom. 1st trimester pa lang po ay nakakaramdam na ko ng pananakit ng singit, pelvic bone or pubic bone to be exact. kapag po ako ay tatayo galing sa pag kakahiga. lalo na po kapag left side (kaliwa) ang pwesto ng pagkakahiga ko. mas lalo po lumala ang sakit ngayong 2nd trimester na po ako. halos hirap ako magbago ng pwesto from left side to right side pag nakahiga. normal lang po ba ito?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan po ako nung mga nasa first trimester, nagtry po ako ng mga workout for pelvic bones, sa you tube po, pero syempre ask your OB/Midwife po about sa mga workout na gagawin ninyo, pero simulan po ninyo sa mga light exercise, and also breathing exercise *suggestion lang po 🥹

Same tayo mi. Nung 24 weeks ko nagstart sumakit sa may bandang public bone. Masakit pag babangon ako sa pagka kahiga. May time pa na masakit pag maglalakad ako. Tinanong ko si OB normal daw kasi lumalaki si baby. Gang ngayon 32 weeks ko masakit pa din.

ganyan din ako ang hirap sobra pati ribs at buto sa balakang ang saket sobra lalo na singit kada papalit pwesto ang kirot 🥺 Normal yan mi nung una ovethink din ako pero ngayun alam ko ng normal kase nararanasan ko ulet sa pangatlo ko ngayun.