Natagtag po ba??

Hello mommies. 22 years old ako and 14 weeks preggy po. Graduating po ako kaya napapadalas po ang pag biyahe ko papuntang school and may times po na may dala akong laptop. Kahapon po may dala ulit akong laptop and habang naglalakad po ako nafi-feel ko po na may lumalabas na discharge. Tapos na feel ko din po na parang bumaba matres(?) Ko kaya ngayon po sumasakit puson ko tapos mas napapadalas ang pag ihi ko. Hindi naman po masakit pag umiihi, hindi rin po ako nag bleeding. Minsan din po biglang sumasakit pwerta ko pero tolerable naman. Natagtag po ba pag ganon? Nafi-feel ko pa rin naman po na magalaw si baby. #1stimemom #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momshie, rest lang po kayo agad after ng byahe nyo. Lagay kayo ng unan sa may pwetan nyo and mga unan patungan ng paa. It really helps po for me everytime bumabyahe din ako at natatagtag. Niresetahan din po ako ng OB ko ng pampakapit everytime matatagtag ako.. Then yung feeling nyo naman po na mababa ang matress nyo same din sakin before nung 14 weeks ako parang laging may pressure down there kasi ang sabi po ng OB ko lumalaki si baby at bumibigat ang uterus napupush po ang bladder natin kaya madalas tayong naiihi. Basta mild lang po ang sakit ng puson at hindi regular, normal lang daw po iyon. Keep safe always 🙏🏻

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy, rest ka kaagad paguwi mo & inom ng madaming water lagi. Dahan dahan ka lang sa paglalakad kung may dala kang laptop. Normal naman yung nararamdaman mo, pero better to inform your ob padin para sure. Try mo mag yoga and meditation before ka matulog para ma relax kayo ni baby. God bless! 😉