Pa-advice naman mga mommies
Hello mommies. 19 years old poko and kaka 8mos lang ng baby ko. Di na po kami sinusuportahan ng tatay ng baby ko mula nung nanganak ako dahil ayaw niya akuin. Anyways, may bf poko. 21 years old, and may stable na work. Siya na rin ang nagsusustento sa baby ko, although may work rin ako na stable. Gusto ko na rin kasi bumukod, away from my parents. Gusto namin maglive in na ng bf ko since siya may plano na rin bumukod sa parents niya. Hindi naman ako pressured bumukod dahil gusto ko na makasama bf ko, kasi gusto ko na rin kumilos sa isang bahay na walang nangingialam. Dito kasi sa bahay ng parents ko, ultimo pagpupuyat ko pinagagalitan ako. I'm a call center agent kasi and as expected sira ang body clock ko. So every day off, nasasanay ako na sa umaga tulog sa gabi gising. Though sinasabayan ko paren ang tulog ng baby ko sa araw, pag gising siya, gising din ako. And gusto ko na rin iformula si baby ko since nahahassle nako magpabreastfeed tuwing shift ko (i have a work at home setup), balak ko sana formula feeding sa gabi, then sakin sa umaga. Kaso ayaw ng mama ko, dahil dagdag gastos daw, gusto niya kasi lahat ng sahod ko is mapupunta sakanila. Which is very wrong kasi mag oone year na yung baby ko, wala pako ipon kakabigay ng sahod sa kanila. And nafifeel ko, para na rin akong bumukod sa kalagayan ko, sakanila lahat halos napupunta sweldo ko, yet hindi paren ako makakilos sa bahay or gunawa ng kung anong gusto ko. Lahat limitado. Nakakasakal pero di ako pwedeng magreklamo since dito ako nakatira sakanila Any advices mommies? Alam ko ipon at pundar muna bago lumipat, and nasa utak ko na yon, pero plano ko after mag one year ni baby saka kami lilipat.