Diarrhea in 1 year old

Hi mommies, may 1 yr & 5 mos old ako na baby and nag tatae siya for 3 days na. Lumalabas din yung 2 ngipin niya sa bagang. Teething kaya ito or may nakain siyang masama? Wala naman siya lagnat pero maselan at lagi umiiyak. #FTM #adviceplease #newmom

Diarrhea in 1 year old
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Naglalaway, iritable at low grade fever po ang mga normal symptoms ng teething. Yung sipon, ubo and/ or pagtatae ay HINDI po dahil sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Ipacheck-up na lng po at siguraduhing hindi madehydrate.

Magbasa pa