Ubot sipon ni baby
Hi momies. Si baby ilang days na may ubot sipon, nahawa sa lola ( mother ng partner ko ) kasi halik ng halik kay baby kahit alam naman nyang inuubo sya. 3days after pa namin sya napa checkup ksi wala yung pedia nya then sakto na sunday naman nun. So ngayon nag nnebulizer si baby and advice samin ng pedia is ikulong muna si baby sa kwarto at wag muna ilalabas. Ngayon ilan days na sya nasa kwarto, nag iimprove naman yung ubo at sipon nya pero hindi pa din sya totally na magaling. Ask lang mga momies, yung room ksi namin naka ac. Need ba namin magpatay ng ac para mas mapabilid ung paglambot ng sipon nya? Pa share naman ng experiences nyo. Although naka 24 lang naman sya and tamang lamig lang ang umaabot sa area namim dito sa room