Milk Supply

Hello momies 3 weeks na kami ni baby pero ang napupump ko prng milk nya is 120ml lang lagi. 2 beses ako nagpupump isa sa morning isa sa gabi ung 120ml na un is hirap pa ko punuin dahil nagrerest ako for 15 mins. Halos 1 hr ko bago mapuno. Ask ko lang po panu po magparami ng milk supply? Dahil pumapasok rin ako sa grad scul which is naiiwan ko si baby minsan at gusto ko maka iwan ng maraming milk for her. Salamat po#pleasehelp #advicepls

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

unli latch. i'm not taking supplements. umiinom lang ako ng maraming tubig, kumakain on time esp ng mga healthy foods lalo na yung gulay, plus rest hanggat kaya at may time. (nurse ako working sa public hospital) thankfully po going 6months na si baby ko ebf pa rin po at ang dami kong nastock na milk nya sa freezer namin sa bahay abd even sa nurse's station namin nagamit ko na yung freezer dun 😅 during duty ko (habang nagpapasyente ako) nagpupump ako for 10-15mins nakakakuha ako ng 100-150ml each breast. bale ang pumping session ko ay every 3-4hrs sa 12hr-shift ko (kaya ang naiuuwi kong gatas kay baby after ng 1 shift ko ay nasa 600-900ml po, bukod pa kung nasa bahay na ako). then pagdating sa bahay latch lang din ng madalas si baby at pumping pa rin kung minsan na napapahaba ang gap ng pagdede nya sakin. basta di ko hinahayaan na di mastimulate ng more than 4hrs yung breast ko.. consistent po dapat ang latch/pumping sched, (2-3hrs l/ 3-4hrs kung ano ang ok sa yo as per lactation consultant na nagsabi sakin nun) since demand at supply ang gamit pag nagpapasuso. kung madalas na naeempty ang milk ducts mo, nasesend yun ng notice sa brain na need din ng milk pa. kaya magpproduce ng magpproduce ng marami yan.

Magbasa pa

Unlilatch lang po kasi talaga ang best way to improve breast milk. Ako wala namang iniinom na mga kung ano-anong supliments, pero lahat ng inuulam ko may sabaw. Malakas naman po ang gatas ko,sobra sobra pa.

VIP Member

unli latch Po until 6weeks, pag 6weeks Po nareregulate na Ang milk supply, you can do magic8, since 3weeks pa lang nman Po kayo ni baby sapat lang Po yan dahil maliit pa nman Po Ang tummy nya

humihina ang breastmilk kapag hindi lagi naglalatch si baby. you can try taking malunggay supplement, more water, less stress.

Inom ka milk or Milo tapos more on hydration lang.