29 Replies
Bago kami ikasal, sinettle na namin yan. Pinaubaya na nya saken ang budgeting kaya binigay na nya saken atm nya. Bigyan ko lang sya ng allowance. Saka magsasabi na lang sya pag need nya ng extra. Sabi nya kasi ayaw nyang mastress sa pagbubudget. Hahaha
No, we budget everything together kasama na yung mga wants namin. Hindi ako madalas bumili ng kung anu ano at nagi-guilty ako madalas when I buy something for myself kaya minsan sya na yung nagpu-push na bilhin na namin para sakin 😆
No po. Matic 80% ng sweldo nya binibigay sakin. Ipon namin yun para kay baby at panganganak ko. 20% personal allowance nya. Sakin naman 100% ng sahod ko gastos sa bahay yung sobra allowance ko Wfh kami pareho
May allowance ako kay hubby. Simula nung mabuntis ako nagkapandemic di niya ako pinapahawak ng pera literally kasi takot siya sa virus. Siya na din nagmamanage sa lahat.
Hindi po, sya po kusa nag bigay sakin. dapat nga kunti lang or sa baby lang namin kase di pa kami kasal, pero di ko enexpect na buong sahod nya binigay sakin
Nope, I have my own money.. Sya humahawak ng pera nya pang budget ng expenses sa bahay, pagkain namin sa labas at mga needs namin.. Hehe
No. Naka surrender sakin lahat ng pera. I manage all the expenses. I can buy what I want as long as it’s within our “budget”.
We're praying for that moment na si hubby ang nakakapagprovide samin. Sa ngayon kasi, ako palang saming dalawa ang may stable job.
Nope I don't ask. Siya kusa nagbibigay ng sahod niya. Since working kmi pareho, okey lang sa akin na nag-iipon dn siya.
Nope, I have my own money, plus binibigay din niya sakin sahod niya. Siya ang nanghihingi ng allowance sakin. 😂