#helpmetoknowfirsttimehere

Hi to all mom's here. Mga mom's need help Naman po, first time mom here. Would like to ask if nakunan ba ako? Or it was just an implantation bleeding or ovalutaion bleeding or miscarriage naguguluhan na ako kakaisip mga mom's hope you could help me.. nagstart period ko(or should I say spotting konti Lang Kasi lumabas this Dec 25 then Dec 26 spot Lang din siya but this dec27 bigla siya nag heavy Yung spot ko then around 2am Kasi naiihi ako bigla ako may naramdaman na may lumabas sa napkin ko then suddenly when the time na iihi na ako nakita ko sa napkin ko na may buong dugo that's why nagsearch agad ako if nakunan ba ako or what, so afraid to know😢😭) pls help me mga mom's para ma clear NASA isip ko.. thank you so much..

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

first tym momsh din ako ... dinugo din ako ng marami , buo buo pero sayo mas malaki lumabas at over flow napkin ka .. ako kasi nug my lumabas na marami parang ihi... nagpa admit na ako agad. pjnaultrasound ako agad. kung my tiwala ka sa Diyos my pananalig ka saknya . Godshelp you.. himala is surprised.. saya ko nung nakita ko ung pelvic ultrasound ko my baby is brave and strong . bgo nag 2 months baby ko. spotting din ako ng buo nagpacheck ako agad reseta ako ng pang pakapit nung nalagpsan ko un. mag 3months na yun ung admit na ako kasi lumakas .. mataas napala ang infection ko. kung my spotting man kayo okey lang nmn pero kapg marami na agad na agad na kyo mgpaadmit. pagbubuntis ay hndi biro nakataya rin buhay niyo.. kaya takecare self .kung ano bilin ni doc pls sundin niyo para sainyo rin yan . im happy now kasi 4months n baby ko umiinom lang aq nang pangpakapit kahit mahal mahal .. i already 30 na din first time magkababy kaya todo alaga .. tlga

Magbasa pa

Paki NSFW po ng photo, kung positive PT ka before december 25, maaring nakunan ka, pero wala ka nmang nabanggit na positive ka sa PT. 2nd pwedeng mens lang yan kasi gnyan din ako dati spotting muna bago yung pinakamens and may shed ng buo2xng dugo din kasama. Implantation bleeding is pink or rust brown in color and kunti lng siya. Ovulation bleeding, ewan if me ganun kasi ovulation happens during your fertile period at dun k plng pwede mabuntis. consult your OB para alam mo nangyayari sayo. Pag nakunan po, usually my cramps na kasabay and masakit daw po.

Magbasa pa

Haysss bakit Kaya binabalewala ang mga ganyang bagay?? 🤔🤔Dko alam Kung ginusto mo yan, or hindi Kapa ready mag buntis, kasi in the first place pa Lang nag spotting ka na dapat nagpacheck up ka na or tinatanong mo sa pamilya mo or friends, siguro naman po pag nagsabi ka ang unang sasabihin Nila sayo is magpa check up, use ur common sense na Lang kahit FTM, FTM dn po ako Naka experience dn po ako ng ganyang pero Pina check up ko po agad

Magbasa pa

First, paki NSFW naman yung photo, i-hide mo. Second, mukhang nakunan ka and you should see an OB ASAP! Pag may kakaibang nangyayari sa katawan natin dapat sa OB or doctor agad ang takbo hindi yung magpopost ka pa dito at mag aantay ng sagot. We can't help you, we're not medical professionals.

VIP Member

Ang tanong: are you even pregnant? Kasi dyan sa napkin mo sis it seems na parang regular period siya pati yung color kasi. And pag may period tayo may mga lumalabas din parang ganyan pero yang sayo sobrang laki kasi. Dapat nagpa check-up ka nalang agad :( praying for you sis.

Ospital po or sa ob wag aasa sa mga sasagot d2 kz mas ok p dij s aob ka dumirtso.. Nkakapraning din ung iba ni aasa sa online ung mga ganyang bagay.. Serious yan kahit 1st tym mom ka alm mu qng anung dpat mung gawin.. Just saying..

punta ka na po ng Ob. pacheck up ka na po, sobrang dami na po niyang lumabas sayo. Ganyan po lumabas skin before lalo nung nalaman ko na buntis ako. 1st Ectopic and 2nd Blighted. pacheck up ka na po.. para msabi mo sa OB ang nangyari sayo..

akunan ka po mam ganyan din nangyari sa akin nun january 2018, naglaba ako nun umaga tapos nun gabi sobrang sakit ng puson ko, tapos ganyan ganyan ang lumabas. kinabukasan ngpaultrasound ako, wala ng laman ang matres ko o gestational sac.

kung alam mo po na buntis ka, unang araw palang na nag spotting ka nagpa check up kana. para naresetahan ka ng pampakapit. sobrang daming dugo po sa napkin mo. hindi ganyan ang implantation bleeding. Punta kna sa OB bka nakunan ka.

di po ganyan ang hitsura ng implantation bleeding. sa hitsura ng napkin mo parang regular mens. unang spotting palang dapat tumakbo ka na sa ob mo 😔 pinaabot mo pa ng ganyan kalakas ang bleed. juskoday. ako kinakabahan sayo 😢