You're not alone. Medyo ganyan din kami, except sa reason sa pagstay dito. Ilang araw na kong bwisit kasi ang expectation ng nanay ng partner ko, kapag babae ka, pagsisilbihan mo ang pamilya mo. I don't agree and alam yan ng partner ko. Nung kami lang 3 ng baby namin sa bahay, hati ang chores. Ngayon si mother parang ineexpect na aalagaan ko yung anak nya to the point na wala syang chores, etc. Nakakafrustrate lang kasi napaka-sexist. I used to earn a lot, as in may time na kaya ko buhayin kami ng partner ko nung nagkaproblema sya sa business. Natigil lang kasi hirap ako magbuntis sa panganay. Buntis ako now and di ako makastart ng business kasi hindi safe for buntis yung sisimulan ko. Di ko rin alam kung may mabibigay akong advise sayo, pero sana makabukod na tayo ulit para tahimik na ulit ang buhay.
Anonymous