19 Replies

VIP Member

Okay lang naman po na maliit yung sa tyan mo mommy. Basta ang importante is healthy at sakto yung size ni baby sa loob. Dun ka po mag worry pag sinabi ng ob mo na maliit si baby sa loob. Pero kung healthy naman. Okay lang po yan. Lolobo din po yang tyan mo.

Ako din po medyo maliit ang tyan kahit twins ang baby ko. Chubby din kasi talaga ako kaya may bilbil nako. Hehe! Wag ka magworry mamsh basta pag sinusukat sya sa ultrasound ay tama ang laki nya, okay si baby sa loob. Mga 7mos. bigla din yan lolobo.

Yes po.. normal naman po ang sukat sabi ng ob ko..

Same lang tayo. Ganyan din sakin. Ako kasi chubby talaga ako kaya hanggang nung nag 7mos ako eh parang fats lang sya. Ngayon nalang sya mejo nag form kung kelan nasa 35wks nako.

Oo normal lang yon, ako din bago ako magbuntis malaki na tiyan ko hahaha kaya parang walang pagbabago malapit na kong mag 5 months

Ganyan din po sakin 18 weeks and 2 days na po ako now pero parang bilbil palang po kahit di naman po ako chubby. Tama lang po

Normal lang po, ako po 6months pregnant na. pero parang wala padin. pero nrrmdaman ko nman na gumagalaw sya 😊

Same here dn mamsh 18wks pro parang bilbil lang dn nahahawakan ko pa. Hehe pro ramdam ko dn pag gmagalaw c baby

Mamsh same tayo na maliit ang tyan. Ung pag tigas naman po commonly kung saang part ung natigas nandun siya

Di lng po kasi talaga ako mapakali . . Anyway thank you mga mommies..

VIP Member

You don't need to worry as long as your baby is healthy in your womb

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles