VENT OUT! PPD ba?
Minsan kalang humingi ng tulong sa nanay mo dahil naubos na yung ipon mo tapos pagdadamotan ka ang masaklap kung kelan ka manganganak malalaman mo lahat pala ng binibili niyang gamit para sa anak lang ng kapatid mo. Hindi naman sa naiingit ako pero iba talaga. Nasasaktan ako kasi apo niya din naman ito, ano yun porket mag isa lang ako at hindi kami pinanindigan ng ama ng baby ko ganun nalang trato niya samin. Talagang nitong pagbubuntis ko never ko naramdaman na sana manlang damayan ako ng nanay ko sa hirap na pinapasan ko pero hindi, hindi din niya ako makamusta or tanungin kelan check up ko wala siyang pakialam kung bakit lalabas ako basta makamusta niya anak ng kapatid ko. Sobra sobrang nadudurug yung puso ko, pinipigil ko umiyak or sumama loob ko kasi ayoko maapektuhan yung baby ko sa tummy ko pero wala eh, minsan naiisip ko tapusin na yung buhay ko kasi pati siya kinakahiya niya ako. Sobra sobra ako na dedeppress di ako makapag isip ng tama. Minsan nasasabi ko sa sarili ko bakit ako pa, bakit kelangan ko maranasan ito, ang bigat na talaga sa loob ko. Nilalayo ko nalang lahat ng matutulis na bagay sa kwarto ko kasi natetemp na ako sa pwede kung gawin sa buhay ko ngayon. Mahal ko ang baby ko pero ang hirap ng labanan tung depression ko. Kunti nalang talaga kinakain nako ng hindi ko tamang pag iisip sa ginawa niya sakin ng nanay ko.


mum of a chinibum