Am i worthy..😞

Minsan darating ka din talaga sa isang bagay na kkwestyunin mu sarili mu kung may nagagawa ka bang tama para sa pamilya mu? Nakakapraning.. Nakaka ewan.. Minsan tinatanung ko sarili koh kung nakakatulong ba ang isang ftm na tulad ko sa pamilya nya, bukod sa paglalaba, pag aalaga ng bata, paglilinis ng bahay? Am i worthy?? 😞😞😞

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

lahat ng nanay,worthy. magbuntis at magdala ka ng bata sa loob ng 9 months,tapos ipapanganak mo,hindi madali yun. hindi madali ang mag alaga ng bata at maging home maker. yung sabay sabay mong gagawin,nagaalaga ka ng bata,naglalaba,nagluluto,tayo lang mga babae,tayo lang mga ina nakakagawa.mag multi tasking na kahit puyat na sa pag aalaga ng bata,pagod sa paglalaba at pagluluto buong maghapon.at the end of the day,nagagawa parin natin ngumiti at tumawa,makipaglambingan at kulitan sa mga mahal natin sa buhay na parang hindi napagod sa maghapong gawain. kaya nga tayo ang mga ilaw ng tahanan. tayo ang buhay ng tahanan.

Magbasa pa