Our Story (late post)

Mikhail Maverick EDD: June 25, 2020 DOB: June 5, 2020 @10:45 am Via: NSD In the evening of June 4, I noticed na may spotting sa undies ko. Kinabahan ako but after a phone call to our family friend who is a physician I dismissed my worries kasi wala naman akong ibang nararamdaman. Natulog ako ng mahimbing that night. June 5, schedule ko dapat for check up sa OB but naunahan kami ni baby 😂 5:00 am nagising ako kasi naiihi ako and masakit puson ko pero pagbalik ko sa kwarto naihi pa din ako ay hindi ko mapigilan sobrang basa na ng shorts ko pati yun sahig kung saan ako nakatayo. Ginising ko hubby ko sabi ko sa kanya na punta na kami hospital mukhang manganganak na ako. Tinawagan ko na din OB ko para aware siya. 6:30 nasa hospital na kami, may sinusunod silang triage and mejo mahigpit kaya ang dami nilang tanong like humihilab na ba daw tiyan ko etc. Pero syempre sinabi ko na pumutok na panubigan ko. Ayon may nag IE na sakin sabi nya 3cm pa daw ako kaya sabi nya uwi nalang daw muna kami kaysa maghintay kami don mas ma eexpose kami sa hospital mahirap na daw balik nalang daw kami pag hindi ko na kaya ang sakit at 2 mins na daw yun interval. Tinawagan nadin nila yung OB ko regarding their decision na pauwiin kami. Pero bago kami umuwi magpa XRay daw muna ako and CBC. If hindi daw maganda ang result hindi daw nila ako pwede iadmit don. Anyways ayon after gawin yun mga yon hinintay pa namin ang bill. At don na nagsimula ang sakit na hindi ko maintindihan. Mga 9 am na non. Nung una 6 mins pa interval at mejo kaya pa ang pain nasa 6 din sa pain scale pero mayatmaya naging 9 na ang pain at hindi na nawala yung sakit. Naiiyak na ako na ewan sabi ko sa hubby ko gusto kong tumae natatae ako sobra sinamahan naman nya ako sa CR pero mejo nagagalit siya kasi masyado daw ako umeere nakikita daw nya nag oopen yun vagina ko baka ma anak ko daw anak namin sa bowl. Hindi na talaga ako mapakali sabi ko hindi ko na kaya yung sakit gusto ko na umere. So ayon instead na uuwi kami hindi na natuloy. Tumawag na sila ng resident OB para icheck ako at sabi nya manganganak na daw ako iaakyat na daw ako sa delivery room. Stress na ako sobra kasi gusto ko ng umere pero pinipigilan nya ako sabi don na daw sa taas. Nung nasa taas kami mga 10:20 na yon pagkahiga ko nag attempt na ako umere ulit pero pinigilan nanaman ako kasi wala pa daw yung OB ko. Naiinis na ako kasi sobrang sakit na hindi ko na talaga kaya. Tumawag yun OB ko sabi nasa elevator na daw siya. Yun na yung go signal nila sabi nila pag ready na daw ako umere na daw ako. Sa isip ko kanina ko pa gusto umere kaya ayon isang ere lang at lumabas na anak ko. Nagulat nga si hubby kasi pinababa siya para ayusin yung sa room namin tapos pag akyat nya tapos na daw ako manganak ang bilis daw so pinababa nanaman siya para ayusin yung sa birth certificate ni baby hahaha. Ayon na issue pa ata kasi bakit daw kami pinapauwi eh pumutok na panubigan ko ganern. Buti natapos agad panganganak at kung hindi lang sana nangyari yung kineme na uwi2 baka mga 9 am lumabas na si baby hahaha pinipigilan pa kasi nila akong umere eh 😂 Thank God we're safe and healthy. Kaka 1 month lang din ni baby kahapon. Ang bilis naman ng panahon.

43 Replies

Ganyan din po nangyare sakin akala ko wala lang na naiihi at natatae lang ako at pagpunta po namin ng hospital di ako agad inasikaso sa ob gyne room pinatimbang pako at kung ano ano pang tanong pero gustong gusto ko na rin umire then pag ie nila sakin 6cm nako nagmadali na sila iakyat ako sa delivery room then pag higang pag higa ko sa taas di nako nakinig sa doctor umire nako kasi diko na talaga kaya. kay hubby po itong account na ginagamit ko pero ako po nag checheck everyday

Hahahaha mas nahirapan pa ako sa pagpigil umere kaysa pag ere at manganak mismo. 😂

Ganyan din po ako gustong gusto ko na umire kasi hinihintay p nmin ung ob ko pero hindi ko talaga mapigilan umire kaya umire na ako kahit wala pa ung ob ko and isang ire lang din po ako hahaha pag balik nga din po ng stepmom ko nagulat din kasi ang bilis ko daw manganak e btw kaka 2 months lang din ng baby ko kahapon 😊

Hahahah ako po kasi mas nasarapan ako sa pagire 😅kasi piling ko tae lang lalabas sa akin un pla bata na hahah

Super Mum

Sis, youre so blessed! Ang bilis mong nanganak sana lahat gnun ung pipigilan ung ere kasi lalabas na c baby tapos wla pa c OB haha..congrats sis! And welcome to parentiglng journey..

Thank you po! Sana sa susunod na baby ganyan pa din po. 😅

Congrats mommy 😍😍😍😍 Buti Hindi sa bowl hahahha Pero grabe Ang swerte moh momshie Sana wag din aqoh pahirapan ni baby 🙏🙏🙏😊😊😊😊

Mommy saang hospital Yan? Pumutok n panubigan mo pauuwiin ka pa? Tsaka Hindi ka iadmit kapag may something sa lab tests? Ano Yun paanakin ka nila sa labas.

Oo nga po alam naman po namin yun pero yunf malabo ano yung gagawin if ever nga suspected pui? Hahayaan nila? Papahanapin ng ibang hospital? Tapos pano yun pag walang record o kahit referral man lang from the OB edi hindi din tinanggap? Tapos pag may nangyaring masama worst namatay like yung lumabas sa balita sino mananagot?

If halimbawang PUI nga, edi maghahanap pa Ng ibang hospital? Eh pano Kung Hindi Rin tanggapin Ng iba? Yun ba Ang protocols sa mga hospitals?

Yan din po tanong ko. Ang labo lang po so ano gusto nila mangyari sa mag ina if ever. 😔

Congraaats mommy, nakakainis s part ng hospital yung experience mo. Pero nakakatuwa kse ambilis mo lang na ire si baby. 🥰 Nice mamshie!

Yes po yung importante healthy and safe si baby. Thank you po! 💖

Congrats mamshie! Bilis mo nanganak!buti kpa. Sana lahat ng buntis mabilis lang ang labor 😀

VIP Member

Wow.. Galing naman. ❤ Sana ako din. 😂🤰 Congratulations po. ❤

Ang bait naman ng baby na yan di pinahirapan ang mommy nya 😊😊

Trending na Tanong