39 weeks (sign of labor)

Hello mi! Last check up ko pa was tuesday and 2cm na ako non. Kahapon lang sobrang sakit ng tiyan at puson ko at naninigas din. Sunod sunod yung sakit pero nong naligo na ako kasi balak ko na sanang pumunta ng ER nawala naman and hindi na bumalik yung sakit. Ngayon naman madalas paninigas ng tiyan ko at nangangalay na yung likod ko. Sign of labor na ba yon? Need ko na ba pumunta ng hospital? Salamat sa sasagot.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung sakin po sumasakit una ung puson saka sumasakit yung likod. 2cm yun mild palang tapos nag lelevel up ung sakit at tumatagal na sya hanggang na papaluhod na ako sa sakit sa puson hanggang balakang. Nag 4cm ako nag bleeding na ako subrang sakit nadin na parang gusto mong umihi ng umihi pero wala kang mailabas. Yung parang natatae ka pero wala kang mailabas ganun ang feeling tapos subrang sakit sa balakang na parang may sumisiksik dun sa buto mo. At mabilis pala ang pag open ng cervix ko kasi habang sumasakit balakang ko at puson uminum ako pineapple juice 2 cans na ubos ko before ako pumunta sa hospital.

Magbasa pa

wait ka pa momsh, kasi ako ngayon 40 weeks and 2days, nitong nakaraang 2days ganyan din nararanasan ko ngayon lang ako nag llabor as in, may pattern ang interval kapag true labor na momsh, pero i-assess mo pa din sarili mo if kaya mo pa yung pain. last 2days nag mucus plug ako na red ngayon contractions na. sana makaraos na tayo hays.

Magbasa pa
2y ago

Kaya nga mi. nakakastress pala maghintay ng labor. hindi ko alam kung totoong labor na ba o hindi pa. Sana talaga makaraos na tayo

ganyan din po ako nung madaling araw sobrang sakit ng tiyan ko pero inantay ko na magtuloy tuloy sya pero nawala rin.. ngayon paninigas lang din ng tiyan

normal lang po ba na madalas tumigas ang tyan?