Traumatized

Hi mi, i am now on my 16 weeks exactly 4 months.. Pero hinde pa ako nakakapag pa check up. I think i have this trauma kase last January 2022 nabuntis na ako. Super duper pa check up. Pa TVS check up ulit tapos month of April when i had my another TVS no heartbeat na ung baby no development and it lead to embryonic demise. Niraspahan ako and naconfined for 4 days. Now buntis nanaman ako. Hinde pa ako nakakapag pacheck up. I dont know why im feeling this way na prang takot ako sa mgging results or takot na ako sa mga sasabihin ng OB. I just hope and i pray na sana this time maging ok na yung baby ko. Na maging healthy na after all. #justsharing

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

I have my fear too, since ako nawalan ng baby during my 8th month (1month na lang nun ilalabas ko na sana sya, during 4d ultrasound lang sana yun) .. wala akong pinalampas na check ups nun, vitamins and everything, normal lahat sakin at kay baby according sa mga ultrasounds, at sa magandang hospital pa ko nun- pero ganun pa rin may nangyari pa ring di ko inaasahan.. this time, Im 17weeks 5days preggy, at nung nalaman kong buntis ako sobrang saya ko pero sobrang takot ko, di ko alam paano ako papasok sa ultrasound room, sa OB ko nun umiiyak ako., di ko alam ano na mafifeel ko kung ano ieexpect ko everytime na titignan sa ultrasound si baby,. kasi imagine mo, hihintayin ko yung 8months para masabi kong okay na siguro this time si baby ko... pero alam mo nagpapatibay sakin this pregnancy? yung paniniwala kay Lord at kay baby ko pati na sa Angel baby ko na gagabayan at magiging okay na lahat.. may dahilan Sis kung bakit nangyari yung ganun.. kaya i think , it is better na accept and face the fear.. andyan na yan, another blessing and naniniwala ako this time okay na rin yung sayo, isipin mo na lang din si baby mo ngayon na nasa tyan mo πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ Godbless you Sis.

Magbasa pa
2y ago

yes 8months Mi, oo merong cases na ganun. meron nga rin kawork ko noon, 9months na sa kanya, sabi ni OB ko possible stress sa work since nagduduty pa ko nun sa hospital, pagod at yun yung bago magstart yung pandemic kasi kaya super dami nming pasyente noon. kaya ngayon super ingat na talaga at early leave na. Sabi rin ni OB minsan daw may mga chromosomal problems na late na lang nakikita. peto chineck naman si baby ko nung pinanganak ko at okay nman sya..

I feel your fear po. had miscarriage din. kaya pag check ups, grabe kaba ko po. but check up po is a must specially para kay baby. i guess, buong pregnancy natin, kakabahan tayo matatakot simply because we love our baby that much. pero it'll be the best to have them checked more often if possible. kawawa din si 2nd baby kasi, nadedeprive sya from check ups dahil sa nangyari before which di sya at fault. stay strong momsh. mairaraos din natin to. this time, our rainbow baby will be in our arms. ❀️

Magbasa pa
2y ago

Yup magpapa check up na po next week. God willing

Ako po dahil nakunan din aq nung May at nabuntis ulit after a month mas monitored na po ung pregnancy q ngayon and since nalaman nmin na buntis aq ulit parang every 2weeks ngpapaultrasound plus ang daming vitamins at pampakapit. ganun po cguro talaga every check up at ultrasound sched kinakabahan tau dahil sa past experiences pero need natin magpakastrong kasi my buhay na nakadepend satin. pray lng po promise effective xa pampakalma 😊

Magbasa pa

Ako po nakunan din last year, at eto po buntis po ako ulit nung nag pt po ako pina lipas ko muna ng 1month bago magpacheck up kesa medyo trauma din ako. Pero eto po okay naman po 16weeks na po ☺️ Pray lang momsh and pacheck up kasi need po yun

pero nagtatake kayo ng vitamins? mag pacheck ka pero ndi nandun sa ob mo