Chocolates

Mga sis true ba na kapag mahilig ka sa chocolate eh maitim din si baby?🥺 Or anong effect if ever mahilig sa mga sweets?#pregnancy

98 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

putik na pamahiin yan djan ako lage may kaaway dahil sa letcheng pamahiin na yan lalo na mama at mga kapitbahay namin nakaaway ko na kasi bawal c ganyan bawal c ganito kaka embyerna...🤣🤣🤣

diabetes labas mo niyan momsh kapag mahilig ka sa matamis, iwasan po hanggat maari para wala complication. buti nakinig ako sa OB ko last minute may diabetes ako 3.3kg si lo ftm buti nanormal ko

nope po, ako mahilig sa chocolate nung buntis, hindi naman po maitim baby ko. lagi ako tinutukso noon na maitim daw magiging anak ko kasi lahat ng gusto ko kainin chocolate at chocolate flavor

When i was preggy, i am fond of eating chocolates. As in dapat may chocolates sa tabi ko everytime. Dun ko yata pinaglihi son ko. Hindi naman sya maitim or what. 😉

VIP Member

no po. it's in your genes pa din. ang dapat iwasan pag too much chocolate is magkaroon ng gdm or gestational diabetes mellitus (diabetes during pregnancy)

Wag na naten ipasa sa mga susunod na henerasyon yang mga walang katuturang pamahiin na yan...kumain lang batay sa calories na kailangan nyo ni baby...

not true po.. maari po tumaas ng sugar pag mahilig po sa sweet makaka-apekto yun sa inyo ni baby pag manganganak kana.. alalay lang po sa kain🙂

too much po ng sweets during pregnancy pwede mg cause ng gestational diabetes...and possible na lumaki sa baby..mahirapan po kayo sa panganganak..

TapFluencer

di ako naniniwala nun sis.. but yung sweets.. bawal talaga yan sa mga buntis..mg cocause kasi yan ng sobrang pglaki ng bata sa loob ng tiyan mo..

chocolate din pinaglihi baby ko. paglabas nya maputi sya, nung 1 month sobrang umitim, tapos ngayong 1 year old na sya sobrang puti na nya hehe