Haircut for preggy

Mga sis pde ba pagupit mga buntis? May nagsabi sakin bawal daw pagupit buntis d ko alam kung bakit #17weeks

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku yang mga pamahiin na yan minsan talaga yan pa yung reason ba't nagiging stressful ang pregnancy journey. Pwede magpagupit. Ako nagpagupit nung first trimester from long hair to medium length kasi yung buhok ko ubod ng pangit gawa pinableach ko nung kinasal ako. Wala namang nangyari sakin eto 7mos preggy na at healthy naman si baby as per OB. Papagupit ulit ako bago manganak. Isipin mo ang dameng bawal, hair treatment (dahil sa chemical content) etc etc tapos bawal pa magpagupit dahil sa pamahiin. Tsss.

Magbasa pa

nagpagupit ako nung 1st tri ko. wala nman connect ang pagupit sa pagbubuntis hahaha. nakakaloka mga pamahiin. wala man lang scientific basis or explanation. mema lang.

pamahiin po kasi ng mga matatanda yan sinusunod ko nalang wala naman mawawala, pero base sa doctor ok lang naman po mag pa gupit,pa hair color at treatment po yung bawal.

Tita ko din sabi mababaliw daw or magkakadefect baby pag nagpagupit. Pero ako, I don't think there's something wrong with it naman. Ask your OB nalang po to be sure.

Yes pwede po pero pag nanganak ka hindi na pwede magpagupit pwedeng mabinat. Dapat habang buntis palang magpagupit kana. Ako kakapagupit ko palang :)

2y ago

nagpagupit po ako 2 weeks pp, di naman po nabinat.

Pwede naman po. Me nabasa ako tinanong daw nila yan sa OB. Pinagtawanan lang daw sila. 😂 Ung hair treatment ang alam ko iwasan muna.

sa first born ko bago ako manganak nagpa gupit ako nagpa foot spa at nagpa manicure at pedicure pero walang cutics bawal eh

Nagpagupit ako last December, 1 month ata ako non pero di ko pa alam na preggy ako. Oks naman baby now so far, 5mos na me

pwede naman e as long na dkna komportable sa buhok mo . saken kc walang bawal2x lalo ngayon mainit ang panahon..

pwede po..ako po 19weeks ako ngayong buntis, ginupitan ko buhok ko kahapon lang,kase sobrabg haba. na..😆😊