Assault

Mga sis, binugbog ako ng tito ko na nakikitira samin kaninang umaga. Ang dahilan hindi ko na ma take yung kadugyutan na ginagawa niya sa pamamahay namin. Simula nung tumira sya samin, laging madumi, makalat, pati ipis namamahay na samin. Bagong bago ung bahay namin pero wala pang isang taon pinepeste na kami. Yung pinag kainan di mahugasan, yung pinag lutuan di malinis. Yung pinag inuman ng baso hindi mahugasan tapos ihahalo sa malilinis na baso eh chain smoker sya. Ung tubig tinutungga sa pichel. Araw araw palaging ganito, sinasabihan mo sya pa galit. Kaninang umaga sa sobrang inis ko habang naglilinis ako ng stove di ko napigilan magdabog. Lumapit sya sakin tpos bigla niyang hinampas ung ulo ko sabay sabi "kahit buntis ka papatulan kita" dun na sumabog lahat. Pinag titiisan ko lahat, simula bata kami ng kapatid ko binubugbog niya kmi. Kahit nanay ko pinagbubuntis ako nun, binubugbog niya. Tapos makkitira sya ulit samin na parang walang ngyari. Kinalimutan nalang namin un, tapos bumalik lahat nung sinapak nia ko kaya nakapag bitaw ako ng masasakit na salita. Pumasok ako sa loob ng bahay tapos sinundan niya ko hinablot niya ung buhok ko tapos ingungudngod niya ko sa semento, nung time na un ung nasa isip ko ung anak ko, pinilit ko makawala tapos sinapak nia ko at tinulak sa lababo. Gusto ko na sya patayin nung mga oras na un. Ung mga tita ko tito ko lola ko lahat sinasabi kalimutan ko na. Ako naman daw ang bata. Napakasakit lang na habang ginagawa nia un skin wala silang ginagawa. Sinabi kong ipapakulong ko sya, lahat sila pinipigilan ako. Lahat sila sinasabing baliw ako. Na nakakahiya daw sa mga tao kung gagawin ko un. Ako ang nasaktan, ako pa rin ang mali. Ako pa pinapalayas nila sa bahay n binili ng nanay ko. Mali ba na ipakulong ko sya. Yun kasi yung pinaparamdam ng mga kasama ko sa bahay, na kasalanan ko kaya ako binugbog, pinaalis nila ako sa bahay at nandito ko ngayon parents ng bf ko.. Pag naiisip ko na mas pinoprotektahan nila yung tito kong bugbugero nasasaktan ako na nagagalit. Mas naiisip nila yung kahihiyan pag kinasuhan ko sya.

30 Replies

Update: Kinausap ko na nanay ko, sinend ko sa kanya yung copy ng medico legal at sinabi ko na pina blotter ko na kapatid niya. Tinawanan niya ko sabay sabing "para yan lang, sobra ka naman" "lahat sila sinasabi ikaw naman daw ang may kasalanan, kasi sumagot ka" pinaliwanag ko sa kanya na kaya ako sumagot sagot dahil inunahan niya ko ng hampas sa ulo, sino bang hindi magagalit non. Alam ko mga sis, sumagot sagot talaga ko, dala ng emosyon at galit nung sinapak ung ulo ko. Pero umiwas na ko at sundan pa ko para saktan ulit. Sinabi pa nia na sya rin ang hihingan ng pera na pam piyansa pag tinuloy ko. Isipin ko raw magiging consequences ng mga gagawin ko. Pinagalitan daw naman nya un at sinabing pag inulit pa, sya mismo magpapalayas. Sabi ko, hihintayin mo pang ulitin? Pipiyansahan mo pa yung taong nanakit sa anak mo? Sabay baba ng phone. Tutuloy ko talaga. Kahit itakwil nila ko..

Kahit sumagot ka di ka dapat bugbugin, bakit sinapak ba sya physical ng sagot mo para gantihan ka physical. lalo na't babae ka at higit sa lahat buntis ka pa. Tuluyan mo ipakulong. Hingi ka tulong sa Raffy Tulfo in action. Baka pati yang mga kamag-anak at nanay mong kunsintidor matauhan pag napagsabihan. Or baka may makalkal pang madagdag kaso sa mga kumukunsinti jan. Saka kung gipitin ka man ng pamilya mo dahil sa pagkaso mo jan sa tito mo lalo na't magastos din magsampa at asikaso ng kaso, matutulungan ka ni sir Raffy.

Salamat sa reply, may blotter na sya at med cert. Ngayon ko lang nararamdman yung sakit sa buong katawan ko, di naman daw ako pwede mag pa skull xray sbi ng doktor. Sabi dun sa VAWC pag nagbago raw isip ko, pwede ako bumalik sa kanila. Pag naiisip ko ung time na lahat sila nagsasabi na maawa ako, matanda na yun, wag akong tanga, wag ko sila bigyan ng problema, ni isa sa kanila walang nagtanong kung kamusta na ko, san ako tinamaan, magpa tingin ako sa doktor lalo akong naiiyak. Nakita nila yung ginawa sakin pero nagbubulagbulagan sila kasi pag pinakulong ko un walang aalaga sa lola ko. Hindi nila maaalagaan. Kaya kahit nabugbog na ko. Ayos lang. Kalimutan ko nalang daw, pamilya naman at magpapasko, nakakahiya. Ako yung umalis sa bahay dala ang ilang damit.

Malakas ang laban mo sa VAWC sis. Ituloy mo ang kaso, be the first to break the chain of violence sa family mo. Isipin mo ang magiging mga anak mo. If ever kasi na di mo sya kasuhan at makasama mo pa rin sya sa iisang bubong, baka pati mga anak mo makaranas ng pambubugbog nya. Kasuhan mo nang madala, at kung itatakwil ka ng mga kapamilya mo, maybe hindi rin talaga sila matatawag na family mo.

VIP Member

Ipatulfo muna yan sis wag mong isipin na nkakahiya kasi mas nkakahiya yung ginagawa ng tito mo.busabos tawag saknya..alam nyang buntis kapo pero sa pananakit nyang yun dinya naisipin yung baby nasa tsan mo..mas mabuti nga na habng nandyan ka sa bf mo sumuplong ka sa himpilan.walng karapatan yung tiyuhin mong saktan ka laljbpa at buntis ka..mas malaki ang chance mong manalo lalo pa kapg dninemanda mopa sya kasi di yan mgbbgo kung di yan mabibigyan ngleksyon.. kung gnyan ang ksama ko sa bahay lalopat palamunin lng po mainam po na palayasin nlng sya..kausapin mong mabuti ang nanay mo karapatan mo yun bilang anak

Hindi ikaw ang baliw. Ang baliw yang mga kamag-anak mo para ipagtanggol yan at pigilan kang ipakulong yan dahil lang sa kahihiyan. Pa-medical ka na agad para may matibay na ebidensya lalo na't buntis ka. Wag ka papapigil sa mga kamag-anak mong ipakulong yan. Kung magkadeperensya or mabingot yang baby mo dahil sa pambubugbog sayo, di naman mga kamag-anak mo ang magaalaga at tatanggap ng pintas at sakripisyo para sa anak mo. Yang tito mo matanda na yan, wala ng kinabukasan. Yaan mo na yan mabulok sa kulungan. Yang anak mo, bata pa at kailangan mong protektahan at ipaglaban.

May psychological problem ba tito mo or nagddrugs? Kung ako sa'yo itutuloy ko yung kaso tapos papalayasin ko silang lahat jan sa bahay ng nanay ko. Pano pag may nangyari sainyo ng anak mo? Mababalik pa ba yung buhay niyo? Mommy, mali po sila magisip, hindi tama. Need marehab niyang tito mo. Ano pong reaction ng nanay mo? Dapat yung nanay mo yung magpalayas sakanila. Kapal naman ng mga mukha nila, nakikitira na nga lang tapos ganyan pa.

Saan parents mo? Mama and papa mo? Kanino nakapangalan yung bahay? Sa parents mo? Kung sa parents mo, mas may karapatan kayo magkakapatid na tumira dysn kesa sa nga kamag anak nyo. Ikaw ang magpalayas sknla. And kausuhan mo yung tito mo, kasi nanakit cya. Anong nakakahiya dun? Dahil kamag anak mismo nila ang nagrereklamo? Ano iintayin pa nila na ibang tao ang mag reklamo. Kausuhan mo!!! Para madala.

Naku. Pakulong mo na. Hayaan mo sila. Isipin mo yang baby mo baka mmya gwin niya din sa baby mo. Naku mahirap na. At saka wala naman sila karapatan sa bahay niyo na sabi mo nga binili ng nanay mo. Sila dapat ang lumayas jn. Ang kapal naman ng mukha nian. !! Duwag yang tito mo. Sinasaktan babae maski buntis sinasaktan..bwisit yang tito mo sis.(sorry for the word sis) nakakapang init ng dugo kasi

Kasuhan mo yan. Wala siyang karapatang kantiin ka buntis ka man o hindi. Hayst nanggigigil tuloy ako. Kung may mali ka man, magulang mo dapat kausapin niya hindi yung mananakit agad siya ng pisikal. Kung ako ikaw nahampas ko yan ng kung anong mahawakan ko pagkapalo niya plang ng ulo ko. 😤😤😤

Wag mong palagpasin yan.patikimin mo ng rehas.Hindi yan matuto hanggat lahat kayu takot sknya.manindigan ka pra sa pamilya mo.at sa dinadala mo.Npakawalng hiya ng taong yan!pg sakin yan yan nangyari.Naku!gawin ko tlga lhat pra pgbayaran nia.Lintik lng tlga ang wlang ganti!

Sis, ipatulfo mo na yan or better ipa blotter mo ngyon na. Saka wala siyang karapatan na pagbuhatan ka ng kamay. Tito mo lang siya wala siyang karapatan sa bahay ng mama mo for the first place. Ilapit mo ky tulfo yan tingnan mo ano mangyari jan

Trending na Tanong