Ano ano ang mga sintomas kapag manganganak kana?
Hi mga sis asked ko lang first time mom kasi ako. Ano ba mga sintomas kapag malapt kana manganak? At anung sintomas ba ang dapat ko maramdaman kapag kailangn ko na pumunta ng ospital? Pasensya na mga sissy first time mom kasi ako at medyo kabado at nakikiramdam sa paninigas ng tyan or pananakt ng puson...salamat 😊
Sakin kase mi nung nasa 35weeks na weekly na punta ko, tas nung pag IE sakin nung 2cm na, every other day ang punta kaya nababantayan, BTW lying in ako. Hindi ako nag labor kaya nung 39weeks na ko, sinaksakan nalang ako pampa labor para hindi na makapoop si baby sa loob.
Sabi ni ob paninigas ng buong tummy within 2 hours...every 3 minutes ata. den parang feels like may disminoriya pwedeng sa puson, sa likod or tummy. pwede ring may blood or mucus. 38 weeks na me now nkasched na for CS kse no sign of labor e, suhi din si baby.
in Jesus name we will! thanks Mie. 🥰
sa case ko is may lumabas na malapot na white nun pag wiwi ko, the next day may brownish na, then after a day, ayun sumakit na puson ko at tyan..labor na pala un..pagdating ko sa ospital 5cm na ako..i gave birth exactly on my 38th wks.
wow ang bilis ng contraction mo sis
pag may lumabas na po sa pwerta nyo na parang sipon na malapot or dugo. pag humihilab na po yung tyan nyo naparang natatae tas nasakit balakang kasabay ng paghilab then mawawala then babalik. labor na po yun
thank you po sa info 😊
labor contraction,mucus plug na lumabas
thank you sis
Mommy of Zachariah ❣️