Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth Indigent
209 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kahit ba member na philhealth ay pwede pa din mgpa miyembro sponsored philhealth? Nawalan po kasi ako ng tranaho ngaun at posiblng ma CS.. Salamat po sa sasagot

paano po pag sa lying in po? kailangan pa po ba magbayad ng P2,400 para ma cover? indigent po yung philhealth ko. sana po may makasagot. salamat po.

VIP Member

Pano po kung brgy indigency lang meron? Di ba un pwede sa hospital or kelangan talaga dalahin sa philhealth mismo ung binigay na brgy indigency na may notary

Pano po pag member na ng philhealth bnbayaran ng 2400 a year, pd po ba lumipat sa indigency? Ganun po ba? Okay lng po ba yun kakapanganak ko lng kce ngaung June.

5y ago

Ganun pla cge salamat mamsh

mom's pano Po pag ung philhealth mo ay ung hinuhulugan buwan buwan, tas. Po gusto nyo mag apply sa indigent Anu Po dapat Gawin ? maraming salamat po

Pano po yun mamsh,nung nanganak ako sa first baby ko may binigay sila sa hospital na card,wala kaming binayaran.Pwedi pa kaya namin yon gamitin?

sa papa ko yung philheath na indigent tas nasa baba yung name ko at manganganak na ako this coming 20 sa april, wala nba akong babayaran? 19 years old pala

5y ago

Kung isa kayo sa beneficiary ng papa nyo, if public hospi wala na babayaran, kung private may discount po

Yung form daw po ng Philhealth ay sa Munisipyo makakakuha at wala daw po sa Brgy. Totoo po ba to mga mamsh? I'm 17weeks pregnant po. Thankyou po 😊😘

5y ago

opo.. brgy po ang magaaccess

Makakakuha pa din po ba ng Philhealth Indigency kahit member na mismo ng Philhealth at naghuhulog na? Sana po may mag response. Thanks po. 😊

4y ago

ganto yung ngyari sakin may work aq hinuhulugan ni employer philhealth q tas ngkapnademic nga last year so. naistop yung hulog nila tas nbuntis aq lipat q sana cia as self employed muna para mgamit q s pag anak q yung lip q ang nag asikso wala kmi binayadan nkalagay s bagong MDR q indigent tas bayad n q jan.2021 to dec 2021 sana 0 bill talaga s public hospital aq manganak

Ask ko lng po. Panu po un coverd pa po ako ng parent ko sa philhealth nya . Mkakapag avail po ba ko .. khit next month na po ang anak ko ?