Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth Indigent
209 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

AGREED! dapat hindi apply ng apply, give way para sa mas mas nangangailan but keep in mind na hindi din lahat ng may smartphone ay hindi na pasok sa program nato kasi baka naman hindi nila afford bumili at may nagbigay lang saknla kaya sila may smarthphone. Sa sobrang daling kumuha ng phone ngayon, madamimg nagdidispose at pinamimigay nalang kung hindi naman binebenta :) this is just my two cents. 😍😍😍 spread the love

Magbasa pa
6y ago

para po ito sa mga wala source of income. may assessment naman. malaki tulong ito sa mga hindi kaya magbayad ng hospital bills.

ako po... nanganak po ako sa public hospital pero yung ob kopo is on call mean siya po yung nagcs saken at means naka private daw po ako... sakanya... pero nag ki clinic din po sa public hospital yu g naging private ob ko.. ngbayad po ako ng 20k sa ob ko...pero may philhealth po ako at binabayaran kopo yearly yu g philhealth ko ng every 3 months... naka informal economy po asawa ko sa philhealth...

Magbasa pa

last 2018 na operahan ako sa PGH at binigyan ako ng PGH ng philhealt wala kamng binayaran tapos nag buntis din agad ako ng 2018 kaso namatay baby ko nong 2019 sa PGH din ako nanganak at wala din akong binayaran at ang sabi sakin ng taga philhealth sa PGH na pwede ko na daw hulogan yung philhealth ko this 2020 or 2021 ang tanong ko po sakop padin poba ako ng INDIGENCY? kasi po manganganak ako dis coming JUNE

Magbasa pa
VIP Member

magagamit ko pa po kaya ung philhealth ko po? binayaran po nmin nung february pero ang nkalagay sa receipt is january-december2020 ang nabayaran. pero ngamit ko po siya nung february this year kasi nag pre term labor po ako . magagamit ko pa po kaya ung philhealth ko sa panganganak ko po sa last week ng april po or may?? 34weeks 6days na po ako now. sorry po napahaba . sana po my mkapansin

Magbasa pa

ako po philhealth sponsored, health center po naglakad ng sakin nong 2017 nagamit ko sya sa gov lying in kaya ni piso wala po ako binayaran. ngayong buntis po ako plano kopo gamitin ulit ung sponsor philhealth ko alam ko nageexpire lang un 1 yr lang sya. pero pinaparenew ko lang sya, like ngayon ipapatry kopo irenew para magamit ko sa november. sa gov lying in prin plan ko manganak po.

Magbasa pa

pano po kung on process n po ung indigent philhealth sabi po s akin s municipal ng bayan nmin magagamit ko daw.po un bago po ako manganak kaso po ala p po ako hawk n katibayan n nkaindigent n po ako s philhealth last march ko p po pinasa ung form kabuwanan ko n po this last week of april or may be 1st week of May ala p.po update ang municipyo nmin s indigent philhealth ko

Magbasa pa

Mam ask ko lang po my indegent po ako sa philhealth 2015 tapos my private din po ako.. Gusto ko lang po malaman.. Humingi po ako nang panibagong id nang philhealth kasi married na po ako.. Yun nga lang sabi nang philhealth magbayad daw po ako.. Nov. 2019 to april. 2020.. Bakit hindi po cla magbigay nang panibagong id.. Kung hindi mabayaran.. Yun po.. Nagtaka po ako..

Magbasa pa

panu po yon.? 18 years old po ako nung kumuha ako ng phil health dahil sa work po pero Ang nakalagay formal economy po. tpos po ngayun 23 na po ako wala na ako work Kasi buntis po ako tpos pandemic pa. nag inquire po ako sa phil health 3600 daw po babayaran ko good for 1 year na po. so pag nanganak po ako sa hospital may bills parin po ba ako na babayaran.?

Magbasa pa

Pede b yan sa tulad q n soon to be mom..pero walang work asawa q lng my work and d nman campany ung work nya....Dati n q my philhealth nung ngka work aq pero na stop nung wala n q work..nka informal sector philhealth q eh..hinuhulugan q khit papaano mkbwas man lng s gastusin pg nanganak....pede b q maka kuha nyan indigency??SALAMAT SA SAGOTπŸ™‚

Magbasa pa
6y ago

para po yan sa walang kakayahan magbayad at wala source of income. may interview po yan if karapat dapat kayo na kumuha ng certificate of indigency

Sana magamit yan ng mga karapat dapat na indigent na tao.. kasi minsan kung sino lang yung malapit at may kakilala sila lang yung madalas makinabang. Ex. Yung 4P's halos yung ibang kasali eh kamag anakan ng kung sinong malapit sa kaban. Di ko nilalahat pero most of the time at may kaya pa yung iba.