Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth Indigent
209 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pano po kung private room ang inavail,0 billing pa din ba?o kelangan service ward or charity ward ang room na iavail?

4y ago

pagkaka alam ko po, sa private room po talaga kayo ilalagay, or ung dalawahan ng room..

Hello po...philhealth ko po kasi indigent..pag po ba cs private ..mababaliwala ung philhealth d magagamit?

kelangan ka botante ka sa lugar para maka kuha ng indigency or kahit hindi botante bsta matagal kna sa lugar?

Pano po kung may work kana pwde kapdin ba mag avail ng indigency philhealth!?thank you po sa answer😊

VIP Member

Hi momsh ask ko lang, what if nakapag file nako. magagamit ko din po ba yan sa kahit saang public hospital?

Good morning po ask ko lang po okay lang po bang lakari nayan kahit matgal pa manganganak thank you po.

5y ago

Goodpm po ask ko lang po january pa po ako manganganak pwede ko po ba lakarin 2 ng 1stvweek ng january thank unpo.

Naka informal po ung akin. Kaka update ko lang. Pede pa kaya magpa indigency pag ganun?

True yan. Mother in law ko nacomma sa QMMC, 390k ang bill, nag apply nyan 0 balance nung uuwi na sila.

VIP Member

How po if member na ng philhealth employed dati, pwde pa bang mgavail ng indigency philhealth?

6y ago

change status po. pero may assessment pa po if mabibigyan kayo ng certificate of indigency

VIP Member

Mas maganda pa pla ang indigency kesa sa volunteer.. Awwww sayang, now ko lang nabasa to.. Thank you!