Philhealth

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yun nalaman ko kanina about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth
43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

pano po kung nakapag hulog na ng 2400 sa philhealth. pwede pa rin bang mging member ng indigency

pwede pa po ba ako for indigency? last hulog ko po october 2019 to feb 2020 pa hindi na po nasundan

4y ago

sa mga wala pang philhealth lang po ang indigency..pra po kc yan sa mga indigenous people.

paano po kaya kapag expire na i mean di oa narerenew . pwede pa po kaya ma renew yun

eh paano kung voluntary sa una tapos mag chachange magpapa indigent pwdi kaya un???

hi ask lang po pag meron na pwede paba mapa transfer sa indigent yun? thanks.

once po ba nakakuha ka na ng indigency philhealth may expiration po ba yun ?

Di nman pala ganun kadali kumuha niyan, tsaka every january lang daw maavail yan

5y ago

Pumunta ako mismo sa philhealth

VIP Member

What if 6months palang nababayaran, pwde parin ba mag enroll or hindi na?

kapag nag apply ka indigent 2400 lang babayaran mo non tapos 1yr naun??

ako dn meron na ako na process kuna noong mga 2months pa lang tummy ko.