Hello mga mumsh, may share lang ako. Since 3rd week ni lo, tina-tummy time ko siya after niya dumede nakadapa siya sa harap ko. Tapos ngayon, 2.5 mos na siya ganun pa rin pero sa kama na namin, para kasing nag aaral na siyang dumapa talaga. May times na tinutulungan ko siya like inaayos ko yung pwesto ng mga kamay niya tska yung head niya inaalalayan ko. One time, nakita ng MIL ko yun, pinagsabihan ako na di ko raw dapat ginagawa yun. May tamang oras daw para dun pag kaya na talaga ni baby. Wag daw madaliin, naiintindihan ko naman yun kaso kasi parang nafu-frustrate rin si baby pag di siya nakakadapa, umiiyak siya na parang gigil talaga para lang makadapa. Stop ko na ba yung pag-alalay kay baby and wait ko na lang siya dumapa talaga on his own?
Sana po may sumagot. Pa-share po ako ng thoughts niyo about tummy time.
Thank you po. #1stimemom here kaya medyo kapa-kapa.
Anonymous