Ayaw ni baby mag-toothbrush

Hi mga mumsh & paps. Yung 2yrs old ko, ayaw talaga mag-toothbrush. Na-try na namin halos lahat. Playtime brushing, pretend brush, brush si papa, brush si mama, pahawakan ng brush si baby, yummy toothpaste, wala pa rin. Ginagawa na lang namin sa ngayon pinapakain namin ng apple si baby every meal. Pero continuous pa rin kami sa "toothbrush warfare" namin 😂 Any suggestions kung paano ma-toothbrush ng maayos si baby? Mayroon ba sa inyo naka-experience ng ganito? #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

may ngregalo samin ng chicco toothpaste. gustong gusto ng babies ko mgtoothbrush. then pinalitan ko ng oral B at tiny buds. ayaw na nila mgtoothbrush

4y ago

Nature to Nurture na blue pala. Yung red pala yung binili namin para sa pamangkin ko (ito yung watermelon). Yung blue kasi yung safe to swallow. Iba toothbrush ni baby. Yung sa Tiny Buds. Before kasi yung sa Colgate toothbrush niya, ayaw niya. Try ko nga Nature to Nurture na brush. Baka nga toothbrush na may problem.