Frustrated padede mom

Hi mga mumsh, medyo may ishi-share lang ako. Madalas kasi naooffend ako pag sinasabihan nila si lo at kino-compare sa ibang baby. Hindi kasi breastfed si lo dahil nahihirapan talaga ako magpadede since wala rin support from hubby and other relatives kaya for the mean time, formula muna yung milk niya. Mag-3 mos na siya this October pero yung katawan niya is hindi mataba, malaman siya pero di katulad daw nung ibang baby na bochog at mataba talaga. Kahit isipin ko na okay naman yung timbang niya (4.5kgs last Sept.2) at healthy naman si baby, nao-offend pa rin ako dahil may part na kasalanan ko rin dahil di ko siya ma-breastfeed. Isa pa, kino-compare nila si lo sa isang baby dito sa 'min na kapapanganak lang tapos ang taba na, mas malaki pa kay lo, dahil daw kasi breastfed yun tapos sinasabihan pa nila na mas maganda yung kutis nun kasi breastfed samantalang si lo hindi. Iniisip ko na lang na baka siksik si lo kasi okay naman yung timbang at laki niya compared sa age niya. Pero nakakadown lang at nakaka-frustrate minsan yung sinasabi nila dahil di ako makapag-breastfeed. Sabi nung friend ko, baka dahil daw sobrang stressed ako kaya nahihirapan din akong mag-produce ng milk. Tska po ayaw na rin niya (lo) mag latch sa 'kin, pag pinipilit ko po siya, nagwawala siya. 😔 Nakakafrustrate na mga mumsh. Di ko mapigilan mainggit dun sa mga padede mommy, buti pa sila unli milk si baby. May bonding sila ng lo nila madalas. #1stimemom #advicepls #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

hi mommy don't be. 😊 i am a breastfeeding mom, and to be honest di naging super bochog ang anak ko, not longganisa level na layer ang legs and kamay. and that's okay. hindi porket mataba, healthy. 😊 also genes yun, eh parehas kami ni hubby di naman chubby nung baby. if you can, never mind what people are saying, especially if okay ang weight and height ni baby. as for bonding, may ibang ways to bond with your child, try nyo po babywearing,play with your child, be present. and remember that you are enough. 💙❤

Magbasa pa